alma
al·má
png
:
pagtayô, karaniwang gamit ang unaháng mga paa, gaya ng sa kabayo, dahil sa tákot, gálit, at katulad.
ál·ma
png |[ Esp ]
:
diwà1 ; kaluluwá1
Alma Máter
png |[ Lat ]
1:
inang diwà o mapagkalingang ina
2:
pamantasan, paaralan, o kolehiyo na pinapasukan o pinagtapusan.
al·ma·ná·ke
png |[ Esp almanaque ]
:
kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinatatalaan ng mga oras ng iba’t ibang pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtáog at pagkáti ng tubig, at iba pa : ALMANAC
al·már·yo
png |[ Esp armario ]
:
kabinet na pinaglalagyan o pinagtataguan ng unan, kulambo, banig, at iba pa ; sa España, kabinet para sa mga sandata.
al·ma·sén
png |[ Esp almacén ]
:
malakíng tindahan.
al·ma·se·ná·he
png |[ Esp almasenaje ]
:
bayarin sa pagpapaimbak.