anima
á·ni·má
png |[ Ing Esp ]
1:
panloob na katauhan
2:
Sik
termino ni Carl Jung sa malababaeng bahagi ng katauhan ng lalaki
3:
kaluluwá1 — pnd a·ni·ma·hán,
a·ni·ma·hín,
mag-á·ni·má.
a·ni·ma·dór
png |[ Esp ]
1:
tao na nagdudulot ng sigla at aliw
2:
Sin
artist na gumagawâ ng animation.
animated cartoon (á·ni·méy·tid kar·tún)
png |[ Ing ]
:
pelikulang ginawâ sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan sa serye ng mga drowing na nagpapakíta ng pagsulong ng aksiyon ng pelikula.
animation (án·i·méy·syon)
png |[ Ing ]
1:
pagiging masigla : ANIMASYÓN
2:
pagiging buháy : ANIMASYÓN
3:
Sin
pagsasapelikula ng magkakasunod na guhit ng larawan o mga pigura upang makalikha ng ilusyon ng galaw : ANIMASYÓN