anti-
an·ti
png |[ Esp ]
:
tao o pangkat na sumasalungat sa isang bagay, gaya ng patakaran, pagkilos, o partidong pampolitika : KÓNTRA
an·ti·bi·yó·ti·kó
png |Med |[ Esp antibiótico ]
:
anumang substance na kemikal na nakasusugpô o nakapipigil sa pagtubò o pagdami ng bakterya : ANTIBIOTIC
antibody (án·ti bá·di)
png |Med |[ Ing anti+body ]
:
alinman sa iba’t ibang protina ng dugo, nalilikha sa normal na takbo ng katawan o dahil sa pagkalantad sa antigen, at nagsisilbing panlaban sa sakít o impeksiyon : ANTIKUWÉRPO
anticlimax (an·ti·kláy·maks)
png |Lit |[ Ing ]
1:
biglang pagbabago ng isang salaysay o diskurso mula sa mahalaga túngo sa hindi gaanong mahalaga o kakatwa
2:
isang pangyayaring hindi gaanong mahalaga kung ihahambing sa sinundan nitó.
Anti-Cristo (an·ti-krís·to)
png |[ Esp ]
1:
personahe o kapangyarihang pinaniniwalaang prinsipal na kalaban ni Cristo
2:
tao na hindi naniniwala kay Cristo.
an·ti·di·sen·té·ri·kó
pnr |Med |[ Esp antidisenterico ]
:
laban sa diarrhea o pagtatae.
antidote (án·ti·dówt)
png |Med |[ Ing ]
1:
gamot o iba pang lunas na pumapatay sa bisà ng lason : ANTIDÓTO,
SÚKAL4,
KÓNTRALÁSON
antiemetic (an·ti·e·mé·tik)
png |Med |[ Ing ]
:
substance na nakapipigil ng pagsusuká at pagkahilo.
an·tíg
png
1:
marahang bunggo
2:
pagbibigay ng mungkahi
3:
pagbibigay ng paalala — pnd an·ti·gín,
ma·an·tíg,
u·man·tíg.
antigen (an·ti·dyén)
png |[ Ing ]
:
substance na karaniwang nakasasamâ sa katawan, gaya ng lason o bakterya, at nag-uudyok sa katawan upang lumikha ng antibody.
an·tí·go
png |[ Esp antiguo ]
1:
anumang bagay na labí ng unang panahon
2:
anumang gamit o kasangkapang yarì sa unang panahon.
an·ti·hel·mín·tik
pnr |Med |[ Ing antihelminthic ]
:
laban sa parasitikong bulate.
an·ti·her·pé·tik
pnr |Med |[ Ing antiherpetic ]
:
laban sa herpes.
antihistamine (án·ti·hís·ta·mín)
png |Med |[ Ing ]
:
gamot na ginagamit na panlunas sa alerhiya, pagkahilo, at katulad : PROMETHAZINE
an·ti·hís·te·rík
pnr |Med |[ Ing antihysteric ]
:
laban sa hysteria.
An·ti·kén·yo
png pnr |Ant Heg |[ Esp Antiqueño ]
:
baybay sa Tagalog ng Antiqueño.
an·ti·kon·sep·si·yón
png |Med |[ Esp anticoncepción ]
:
sadyang pagpigil o paghadlang sa pagbubuntis o pagdadalantao.
an·ti·ku·wár·yo
png |[ Esp anticuario ]
:
tao na nag-aaral, nangongolekta, o nagtitinda ng mga bagay na antigo : ANTIQUARIAN
an·ti·ku·wár·yo
pnr |[ Esp anticuario ]
1:
ukol sa mga antigong bagay o mga lumang aklat : ANTIQUARIAN
2:
ukol sa pag-aaral ng mga antigong bagay : ANTIQUARIAN
an·tí·lo
png |[ ST ]
:
pagkaunawa ; paraan o yugto ng pag-unawa.
antilogarithm (án·ti·ló·ga·ri·tém)
png |Mat |[ Ing ]
:
bílang na katapat ng isang hatag na logaritmo.
an·ti·ló·pe
png |Zoo |[ Esp ]
:
hayop na tíla usá (family Bovidae ) na matatagpuan sa Africa ang karamihan : ANTELOPE
antimatter (án·ti má·ter)
png |Pis |[ Ing ]
:
matter na binubuo ng mga antiparticle.
antimony (án·ti·mó·ni)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong malutong, madalîng mahatì, at metaliko (atomic number 51, symbol Sb ) : ANTIMÓNYO
an·ti·ne·u·rál·hi·kó
pnr |Med |[ Esp antineurálgico ]
:
laban sa neuralhiya.
an·tíng-an·tíng
png
antinode (án·ti·nówd)
png |Pis |[ Ing ]
:
lunan ng pinakamalakas na pagkinig na nása pagitan ng magkatabíng mga node ng isang kumikinig na lawas.
antinomianism (án·ti·nó·mi·ya·ní·sem)
png |[ Ing ]
:
doktrina na nagsasabing malaya na ang bawat Kristiyano sa kaniyang obligasyon na sundin o tuparin ang mga batas moral.
an·ti·nó·mi·yá
png |[ Esp antinomia ]
1:
salungatan ng dalawang tíla pantay at kapuwa wastong simulain o katwiran
2:
isang pundamental at tíla hindi malulutas na tunggalian o kontradiksiyon.
an·ti·pá·lo
png |Zoo |[ ST ]
:
alupihang kumikinang sa gabi.
an·ti·pá·ra
png |[ Esp antiparras ]
1:
tábing o pansamantalang dingding para hindi makíta ang nása likod
2:
3:
salamin sa matá, lalo na iyong ginagamit sa pagsisid : GOGGLES,
SPECTACLES
antiparticle (an·ti·pár·ti·kél)
png |Pis |[ Ing ]
:
sub-atomikong particle na kahawig sa mass ng isa pang particle ngunit kasalungat sa katangiang elektriko at magnetiko.
an·ti·pás
png |[ Esp antifaz ]
:
máskará na tumatábing lámang sa pang-itaas na bahagi ng mukha mula sa ibabaw ng ilong.
antipathy (an·tí·pa·tí)
png |[ Ing ]
:
yamót o pagkayamot.
an·ti·pa·tí·ya
png |[ Esp antipatía ]
:
yamót o pagkayamot.
antipernicious anemia factor (an·ti·per·ní·syes a·ním·ya fák·tor)
png |BioK |[ Ing ]
:
bitamina B129
antiphon (án·ti·fón)
png |Lit Mus |[ Ing ]
1:
awit o salmo na dinarasal o inaawit nang salitan ng dalawang pangkat : ANTÍFONÁ
2:
bersikulo mula rito : ANTÍFONÁ
3:
pangungusap na dinarasal o inaawit bago matapos ang salmo : ANTÍFONÁ
4:
antiphonal (án·tí·fó·nal)
pnr |Mus |[ Ing ]
:
dinarasal o inaawit nang salitan ng dalawang pangkat.
an·ti·pi·rí·na
png |Med |[ Esp ]
:
gamot na nakapipigil ng lagnat.
an·ti·plo·hís·ti·kó
pnr |Med |[ Esp antiflogístico ]
:
laban sa pamamagâ.
an·ti·pó·lo
png |Bot |[ Bik Seb ST ]
An·ti·pó·lo
png |Heg
:
lungsod sa lalawigan ng Rizal na kilaláng pook bakasyunan at dinadayo ng mga namamanata sa birheng Nuestra Señora de Buenviaje.
Antique (an·tí·ke)
png |Heg
:
lalawi-gan sa kanlurang Visayas ng Filipinas, Rehiyon VI.
Antiqueño (an·ti·kén·yo)
png pnr |Ant Heg |[ Esp ]
1:
tao na taga-Antique
2:
may kaugnayan sa Antique Cf ANTIKÉNYO
antiquity (an·tík·wi·tí)
png |[ Ing ]
1:
sinaunang panahon, lalo na ang yugto bago sumapit ang panahong midyibal : ANTÍGWÉDAD
2:
relikya, kaugalian, tradisyon, at pangyayari noong sinaunang panahon : ANTÍGWÉDAD
3:
kolektibong tawag sa mga sinaunang tao : ANTÍGWÉDAD
an·ti·sép·sis
png |Med |[ Esp ]
:
proseso ng paggamit ng antiseptiko upang labánan ang maliliit na organismo na nagiging sanhi ng iba’t ibang sakít.
an·ti·sép·si·yá
png |Med |[ Esp antisepsia ]
:
pagpuksa sa mikroorganísmo na nagdudulot ng sepsiya.
an·ti·sép·ti·kó
png pnr |Med |[ Esp antiséptico ]
:
laban sa paglago o pagkalat ng mikrobyo na nagdudulot ng sakít : ANTISÉPTIK
an·ti·sos·yál
pnr |[ Esp antisocial ]
1:
hindi palakaibigan o hindi nakikihalubilo sa tao
2:
laban, kalaban ; galít sa ibang tao
3:
salungat sa kaayusan ng lipunan.
an·ti·té·sis
png |[ Esp ]
1:
an·ti·té·ti·kó
pnr |[ Esp antitético ]
:
sumasalungat o salungát1
an·ti·tí·law
png |[ ST ]
:
kislap o ningning ng matá.
an·ti·tók·si·kó
pnr |Med |[ Esp antitóxico ]
:
laban sa toxin.
an·ti·tók·sin
png |Med |[ Ing antitoxin ]
:
substance na nililikha ng katawan, laban sa tiyak na toxin.
antitrust (án·ti·trást)
pnr |Bat Kom |[ Ing ]
:
may kaugnayan sa pangangalaga sa kalakalan at negosyo laban sa ilegal na mga paghihigpit, monopolyo, at hindi pantay na tuntunin sa pagnenegosyo.