c
C, c
1:
ikatlong titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na si
2:
ikatlo sa isang serye o pangkat
3:
Mus
unang nota o tono ng diyatonikong eskala ng C major o eskala o key na nakabatay sa nota o tónong ito
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng C o c
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawa ang titik C o c.
c (si)
symbol |Pis |[ Ing ]
:
bilis ng liwanag sa vacuum.
C (si)
png |Com |[ Ing ]
:
tawag sa isang wika ng program.
C (si)
symbol |[ Ing ]
1:
Kem
carbon
3:
Ele
coulomb
4:
Ele
capacitance
5:
Mat
pamilang na Romano para sa 100.
cabal (ká·bal)
png |[ Ing ]
1:
pangkat na may lihim na pakana laban sa isang pamahalaan o tao na nása kapangyarihan
2:
pakana ng naturang pangkatin.
Cabanatuan (ka·ba·na·tú·an)
png |Heg
:
lungsod sa Nueva Ecija.
Cabarroguis (ka·ba·ró·gis)
png |Heg
:
kabesera ng Quirino.
cabbala (káb·a·lá)
png |[ Ing Heb kabballa ]
1:
sa sinaunang tradisyong Jew, ang mistikong interpretasyon ng Bibliya var cabala
2:
doktrinang esoteriko.
cabin (káb·in, ká·bin)
png |[ Ing ]
1:
maliit na silungán o bahay na karaniwang yari sa kahoy
2:
silid o bahagi ng silid para sa pasahero o tauhan ng sasakyang panghimpapawid o pandagat
3:
natatakpang lalagyan ng kargada sa sasakyang panghimpapawid.
cable TV (kéy·bol tí·vi)
png |[ Ing ]
:
sistema ng paghahatid ng progra-mang pantelebisyon sa pamamagitan ng cable : CABLE3
Cabo de Buena Esperanza (ká·bo de bu·é·na es·pe·rán·za)
png |Heg |[ Esp ]
:
Tangos Buena Esperanza.
caboodle (ka·bú·del)
png |[ Ing kit and boodle ]
:
ang kabuuan ng lahat.
caboose (ka·bús)
png |[ Ing ]
:
kusina sa barko.
cabriolet (káb·ri·yo·léy)
png |[ Fre ]
:
kompartamento para sa drayber sa tren, crane, at mga katulad Cf CAB1
cache (kash)
png |[ Ing ]
1:
pook na taguán ng yaman, mahalagang gamit, o armas
2:
ang nakatago rito
3:
Com
dagdag o reserbang memory1
cachexia (ka·kék·sya)
png |Med |[ Ing ]
:
pangangayayat dahil sa malubhang karamdamang tulad ng kanser.
cacodyl (ká·ka·díl)
png |Kem |[ Ing ]
:
mabaho, nakalalason, at agad lumiliyab na likido (tetramethyldiarsine), (CH3)2As -As (CH3)2.
cadenza (ka·dén·za)
png |Mus |[ Ita ]
:
masalimuot at mahirap na bahagi para sa solong tinig o instrumento, karaniwang nása dulo ng isang aria o pangunahing bahagi ng isang sonata o iba pang mahabàng komposisyon.
cadette (key·dét)
png |Mil |[ Ing ]
:
kadéteng babae.
Cadiz (ká·dis)
png |Heg
:
lungsod sa Negros Occidental.
cadmium (kád·myum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong elemento na kulay pilak (atomic number 48, symbol Cd ) : KÁDMIYÓ
caesar (sí·zar)
png |Pol |[ Ing ]
1:
titulo ng Romanong emperador
2:
isang awtokrata.
caesarian (si·zár·yan)
pnr |[ Ing ]
1:
patungkol sa caesar
2:
Med
nanganak sa pamamagitan ng operasyon.
caesar’s salad (sí·zars sá·lad)
png |[ Ing ]
:
salad na nilahukan ng letsugas, langis ng oliba, katas ng limón, nilagang itlog, at pampalasa.
caesium (sí·syum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong elemento na malambot, reaktibo, at kulay pilak (atomic number 55, symbol Cs ).
caffeine (ka·fín)
png |Kem |[ Ing ]
:
maputî, kristalina, at mapaklang alkaloyd C8 H10 N4 O2 na nakukuha sa kape at tsaa.
Cagayan (ka·ga·yán)
png |Heg
:
lalawigan sa hilaga ng Filipinas, Rehiyon II.
Cagayan de Oro (ka·ga·yán de ó·ro)
png |Heg
:
lungsod sa Misamis Oriental at kabesera ng lalawigan.
caida (ka·í·da)
png |[ Esp ]
1:
pagkalaglag o pagkadapa var kaída
2:
Cain (ka·ín)
png |[ Heb Esp ]
:
sa Bibliya, panganay na anak ni Adan at pumatay sa kapatid na si Abel.
calabash (ká·la·básh)
png |Bot |[ Ing ]
:
punongkahoy (Crescentia cujete ), laging-lungti ang dahon, namumunga, at matatagpuan sa tropikong America.
caladium (ka·léy·di·yúm)
png |Bot |[ Ing ]
:
korason de-marya.
calamine (ká·la·máyn)
png |[ Ing ]
:
kulay pink na pulbos mula sa pinaghalong zinc carbonate at ferric oxide at ginagamit na ungguwento.
calando (ka·lán·do)
pnr |Mus |[ Ing ]
:
marahan at mabagal na tugtog.
Calapan (ka·la·pán)
png |Heg
:
kabesera ng Oriental Mindoro.
Calbayog (kal·bá·yog)
png |Heg
:
lungsod sa Western Samar.
calciferol (kal·sí·fe·ról)
png |BioK |[ Ing ]
:
alkohol ((C28H43)H) na natutunaw sa tabâ, kristalina, at matatagpuan sa gatas, langis mula sa atay ng isda, at katulad ; nalilikha mula sa ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol ; mabisàng gamot at panlaban sa rickets at iba pang hypocalcemic na sakít.
calcite (kál·sayt)
png |Kem |[ Ing ]
:
isa sa mga karaniwang mineral, calcium carbonate, CaCO3 matatagpuan sa napakaraming uri ng anyong kristalina ; isang pangunahing sangkap ng batong-apog, marmol, at tisà.
calcium (kál·syum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong element na malambot at abuhin (atomic number 20, symbol Ca ) : KÁLSIYÓ
calcium carbonate (kál·syum kár·bo·néyt)
png |Kem |[ Ing ]
:
puti, di-natutunaw na solido at karaniwang nása anyong tisà, apog, marmol, at mga katulad.
calculation (kal·kyu·léy·syon)
png |[ Ing ]
:
táya1 o pagtáya.
calculator (kál·kyu·léy·tor)
png |[ Ing ]
1:
aparatong elektroniko, ginagamit sa kalkulasyong matematiko : KALKULADÓR
2:
tao o mákináng nagkakalkula : KALKULADÓR
3:
set ng mga talahanayan na ginagamit sa kalkulasyon : KALKULADÓR
calculus (kál·kyu·lús)
png |Mat |[ Lat ]
:
sangay ng matematika hinggil sa differentiation at integrasyon ng mga funsiyon.
calender (ká·len·dér)
png |[ Ing ]
:
pamplantsa, may mga rodilyong pampakinis o pampakintab sa tela, papel, at katulad.
calico (ká·li·kú)
png |[ Ing ]
1:
telang cotton, lalo na ang purong putî
2:
telang cotton na may disenyo.
californium (ká·li·fór·ni·yúm)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong transuranic (atomic number 98, symbol Cf ).
caliper (ká·li·pér)
png |[ Ing ]
:
kómpas na kurbado ang paa at ginagamit na pansukat sa diyametro ng mga malanday na lawas.
call (kol)
pnd |[ Ing ]
1:
tumawag o tawagin
2:
mag-anyaya o anyayahan
3:
tumawag ng pansin
4:
tawagan sa telepono
5:
tanggapin, halimbawa ang isang hámon.
calla lily (ká·la lí·li)
png |Bot |[ Ing ]
:
yerba (Zantedeschia aethiopica ) na may makapal na risoma, may tangkay na 1 m ang habà na nagdadalá sa hugis embudo at maputîng bulaklak : LILY-OF-THE-NILE
call center (kol sén·ter)
png |[ Ing ]
:
isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer na nangangailangan ng impormasyon o dumudulog sa reklamo hinggil sa isang produkto o serbisyo ng isang kompanyang multinasyonal.
calypso (ka·líp·so)
png |Mus |[ Ing ]
1:
uri ng musikang West Indies na may sabáyang ritmong African
2:
awit o sayaw sa estilong ito.