ice
iceberg (áys·berg)
png |Heo |[ Ing ]
:
malakíng tipak ng yelo mula sa natibag na glacier at inanod sa dagat.
icebox (áys·baks)
png |[ Ing ]
:
kahong karaniwang yarì sa styrofoam na pinagsisidlan ng pira-pirasong yelo.
ice bucket (áys bá·ket)
png |[ Ing ]
:
sisidlan ng pira-pirasong yelo.
ice cold (áys kold)
pnr |[ Ing ]
:
kasinlamig ng yelo ; nagyeyelo.
ice drop (áys drap)
png |[ Ing ]
:
minatamis na yelong may pampalasa, pampakulay, at hawakang patpat.
ice hockey (áys há·ki)
png |Isp |[ Ing ]
:
nilalaro sa sahig na yelo, paligsahan ng dalawang pangkat na binubuo ng tig-aanim na iskeyter na nagtatangkang magpasok ng maliit na gomang disk sa goal sa pamamagitan ng pamalò.
icepick (áys·pik)
png |[ Ing ]
:
metál na matulis at ginagamit sa pagbiyak o pagpiraso ng yelo.
ice skating (áys is·kéyt·ing)
png |Isp |[ Ing ]
:
pag-iskeyt sa sahig na yelo.