ilog
i·lóg
pnr |[ Hil ]
:
túlad o katúlad.
í·log
png |Heo |[ Pan Tag ]
Í·log Ág·no
png |Heg
:
ilog na matatagpuan sa Region III.
Í·log Á·gus
png |Heg
:
ilog na dumadaloy mula Lawang Lanao hanggang Look Iligan at nagsisilbing hanggahang panlalawigan ng Lanao del Sur at Lanao del Norte.
Í·log A·ma·zón
png |Heg |[ Tag ilog+Gri amazon ]
:
ilog sa hilagang timog America, dumadaloy pasilangan mula sa Perubian Andes túngong hilagang Brazil hanggang Karagatang Atlantiko.
Í·log Cagayan (í·log ka·ga·yán)
png |Heg
:
pinakamahabà at pinakamalakíng ilog sa Filipinas na matatagpaun sa rehiyon ng Lambak Cagayan at tumatawid sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at Cagayan.
Í·log Chico (í·log tsí·ko)
png |Heg |[ Tag ilog+Esp chico ]
:
ilog na matatagpuan sa Kalinga at dinadayo ng mga turista na mahilig mag-rafting at manood ng kagila-gilalas na tanawin dulot ng mga bundok na dinadaanan ng ilog.
Ilog Danube (í·log dán·yub)
png |Heg |[ Tag ilog+Ing Danube ]
:
ilog sa gitna at timog silangang Europe, dumadaloy pasilangan sa katimugang Germany hanggang sa Dagat Itim.
i·lóg-i·lú·gan
png |[ ilog+ilog+an ]
1:
Heo
maliit na ilog
2:
Agr
daánan ng tubig sa bukid.
Ilog Ionian (í·log a·yón·yan)
png |Heg |[ Tag ilog+Ing Ionian ]
:
isang panig ng Mediteraneo sa timog Italy, silangang Sicily, at Greece.
Ilog Jordan (í·log hór·dan)
png |Heg |[ Tag ilog+Heb Jordan ]
:
ilog sa timog kanlurang Asia, dumadaloy mula timog Lebanon patúngong Dagat Galilee, at patimog sa pagitan ng Israel at Jordan patúngong kanlurang Jordan at Dagat na Patay : JÓRDAN1
Í·log Pá·sig
png |Heg
:
mahabàng ilog magmula sa bunganga ng Look ng Maynila patúngong Lawa ng Bai.
Í·log Sá·va
png |Heg |[ Tag ilog+Ing Sava ]
:
ilog magmula sa gawing silangang Europe patúngong Ilog Danube.