lapa
lá·pa
png |[ Ifu ]
:
bungkos ng nganga.
lá·pad
png |[ Bik Kap Hil Pan Seb Tag War ]
:
sukat o distansiya mulang isang panig hanggang kabilâng panig : LÁKBANG1,
LÁPAR,
SALIRANGDÁNG1,
WIDTH1
la·pág
png
1:
pang-ibabâ o pang-ilálim na bahagi, gaya ng sahig ng bahay o ang lupa sa ilalim ng bahay
2:
pagbababâ ng anumang dalá — pnd i·la·pág,
mag·la·pág
3:
la·pák
pnr |[ Kap Tag ]
1:
bakli o tanggal-tanggal, gaya ng lapák na mga sanga ng punongkahoy
2:
3:
[Seb]
may mga guhit
4:
lá·pal
png |[ ST ]
1:
paglakí ng bílang ng mga hayop para sa isang paligsahan
2:
pagkalat ng mantsa ng langis.
la·páng
png
:
malaking hiwa ng karne ; sangkuwartong karne.
la·pár
png |[ ST ]
:
paghampas sa likod.
laparoscopy (la·pa·rós·ko·pí)
png |[ Ing ]
:
instrumentong fiber optic na ipinapasok sa dingding ng abdomen upang makíta ang mga organ sa loob nitó.
la·pás
png
1:
Zoo
dalagambukid
2:
[Esp La Paz]
pagdiriwang tatlong araw bago sumapit ang Miyerkoles de Senisa
3:
pagsasaayos ng mga bayarin o sigalot
4:
[Hil]
panahon pagkatapos ng isang okasyon o pagdiriwang.
la·pás
pnd |i·la·pás, la·pa·sín, ma·la·pás |[ ST ]
1:
tapusin ang usapan
2:
saktan ang damdamin ng iba
3:
masugatan dahil sa tali sa kamay.
lá·pas
png |Zoo
:
uri ng kabibe (Halintis asinina ) na katamtaman ang laki at kurbado ang takupis.
la·pas·tá·ngan
pnr |[ Kap Tag ]
:
hindi nagpapakíta ng paggálang sa dapat igálang : ÁG-ABANGATÁN,
BARUMBÁDO,
LABÁG2,
LÁIT2,
LAMPINGÁSAN,
LANGGÓNG,
LÁW-AY,
PROFANE2,
RIBALD2,
SALIPANYÂ,
SILAMBÁNG,
WALÁNG-GÁLANG1 — pnd la·pas·ta·ngá·nin,
man·la·pas· tá·ngan.
la·pát
png
:
pagtitilad nang manipis, o ang bagay na gaya ng kawayan o yantok, na tinilad nang manipis, upang gawing pansalá, pantalì, panghugpong, at iba pa Cf HAPÍT — pnd i·pa·la·pát,
la·pa·tín,
mag·la· pát.
la·pá·ti
png |Zoo
:
uri ng kalapati (family Columbidae ) na mahabà ang buntot.
la·pá·tin
png
1:
kawayan o yantok na maaaring gawing pantalì o pansalá
2:
Zoo
ibon na kahawig ng maya, pipit, o luklak at mahilig manginain ng bunga at bulaklak.
lá·paw
png |[ ST ]
:
pag-iimbak ng alak sa pamamagitan ng mahigpit na paglalagay ng takip sa sisidlan.
la·páy
png |Ana
:
sa abdomen, ang organong may kinaláman sa produksiyon at pagtatanggal ng puláng selula sa dugô : PANCREAS var lípay3
la·páy
pnr
:
kulang sa timbang.
lá·pay
png
1:
[ST]
bahay na hindi gaanong malaki
2:
Zoo
[Bik Seb Tag]
uri ng tagák (Nycticorax nycticorax ) na mas maigsi ang leeg at may ugali na tulad ng bakáw-gabí.
La·pá·yaw
png |Ant
:
isa sa mga pang-kating etniko ng mga Apayaw.