limbag


lim·bág

png |[ Kap Tag ]
1:
teksto, larawan, at iba pa na ginawâ sa pamamagitan ng paglalagay ng tinta sa papel at iba pang materyales sa pamamagitan ng offset o direktang presyur : AT-ÁT1, BÁLHAG, NÍGALOT, PRINT1
2:
reproduksiyon ng disenyo sa pamamagitan ng pagtatatak ng plantsa : AT-ÁT1, BÁLHAG, NÍGALOT, PRINT1
3:
pagsulat sa titik na tulad ng sa inililimbag : AT-ÁT1, BÁLHAG, NÍGALOT, PRINT1
4:
paglalagay ng marka sa pamamagitan ng pagdiin : AT-ÁT1, BÁLHAG, NÍGALT, PRINT1, TATAK2 — pnd i·lim·bág, i·pa·lim·bág, mag·lim·bág.

lim·bág

pnd |i·lim·bág, i·pa·lim·bág, mag·lim·bág |[ ST ]
1:
gumawâ ng isang hugis gamit ang isang molde
2:
sirain ang isang bagay, hal limbagin ang tanim
3:
hamunin na makipag-away.

lim·bá·gan

png |pá·lim·bá·gan |[ lim-bag+an ]
1:
mákiná para sa paglilimbag ng teksto o larawan : IMPRÉNTA, PRÉNSA1
2:
kompanya para sa naturang gawain : IMPRÉNTA, PRINTERY, PRINTING PRESS, PRÉNSA1, PRESS3

lim·bá·gay

pnt |[ ST ]
:
hinggil kay, hal nalimbagay kay Pedro.