lung
lú·ngad
png
1:
pagluwâ o pagsúka ng sanggol sa sinúsong gatas
2:
ang gatas na iniluwâ var lúngad
lu·ngál
pnr |[ ST ]
:
isinílang na patay.
lu·ngás
pnr
:
bahagyang nasirà ; pingás gaya ng ngiping nabungi.
lu·ngáw
png
1:
hukay sa lupa na malaki at malalim at ginagamit na imbakan ng mga bunga, tapunan ng sukal, at iba pa
2:
kahoy na inuka ang katawan at inilaan sa pag-aasin ng isda o kainan ng malaking hayop.
lu·nga·wán
png |[ ST ]
:
ang puwang na dinudungawan sa bintana.
lu·ngáy
pnr
:
layláy, nakalaylay.
lu·nga·yî
pnr
:
nakayuko o nakatungó, karaniwan kapag namimighati o nalulungkot.
lu·ngá·yi
png |[ ST ]
1:
paghihilig ng ulo sa unan, o sa ibang bahaging mas mababà, upang magpahinga
2:
paghuhugas ng ulo sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa tubig, at ang mukha ay nása itaas
3:
paglungayngay nang ang mukha ay nása itaas.
lu·ngay·ngáy
pnr |[ Hil Seb Tag ]
:
nakabagsak ang ulo nang patalikod ; nakakiling ang katawan sa likuran dahil sa kawalan ng lakas.
lung·bós
png |Lit Mus |[ ST ]
:
uri ng awiting naghahatid ng mga pangitain.
lung·gâ
png |[ Kap Tag ]
1:
malalim na hukay sa lupa o sa putik na pinamamahayan ng mga hayop, parasito, at iba pa : HOLE3
2:
Kol
pook na taguan ng mga masasamâng-loob, lagalag, at iba pa.
lung·gá·ngan
png |[ Ilk ]
1:
dalawang malaking pútol ng kawayan sa itaas na gilid ng kariton
2:
alinman sa dalawang baras ng kareta.
lung·ga·tî
png |Sik
lung·hâ
png |[ ST ]
:
paglitaw ng kalahati ng katawan.
lu·ngí
png |[ ST ]
1:
Zoo
isdang-alat (family Belonidae ) na may payat na katawan, pahabâng panga, at ngipin na tíla karayom : SUSWÎ
2:
lu·ngì
pnd |i·lu·ngì, i·pa·lu·ngì, ma·pa·lu·ngì
:
mapahamak o datnan ng masamâng kapalaran.
lú·ngib
png |Ana |[ ST ]
:
uka na kinalalagyan ng matá.
lú·ngig
png |[ ST ]
:
hindi magálang sa pakikiusap.
lu·ngí·na
png |[ Ifu ]
:
kalagitnaan ng Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero, panahon ng paghahanda ng bukid upang tamnan.
lung·kág
pnr |[ ST ]
:
matabâ o malaki ngunit magaan ang timbang.
lung·kás
png |[ ST ]
1:
pagbababâ ng trapal ng barko
2:
pagtitiklop ng isang bagay tulad ng layag o ng payong
lung·kót
png |ka·lung·kú·tan
lung·lóng
png |[ ST ]
1:
maliit na bahay na hugis parisukat
2:
panaka-nakang pag-iyak
3:
alulong ng mga áso
4:
pagpapasok ng áso ng ulo sa kung ano upang kunin ang nása loob.
lu·ngó
png |[ ST ]
1:
hiráp na hiráp na paghinga, gaya ng tao na nalulunod Cf SINGHÁP
2:
pagpapakumbaba o pagsuko.
lu·ngók
pnd |lu·ngu·kín, ma·lu·ngók |[ ST ]
:
takutin o sindakin.
lú·ngoy
png
:
pagsamo nang buong katapatan — pnd i·lú·ngoy,
lu·mú·ngoy,
mag·lú·ngoy.
lung·sár
png |[ ST ]
:
pagbabâ mula sa duyan, kabayo, o sasakyan.
lúng·say
png |[ ST ]
:
pagsusuot ng damit na lukót at hindi kaaya-aya — pnd lung·sá·yan,
lung·sá·yin,
mag·lúng·say.
lung·só
png |[ ST ]
:
mainam ang laki ng bunton ng dayami o damo.
lung·tád
png |[ ST ]
:
kalagayang malusog o mabuti var lungtár
lung·tî
pnr |lun·tî |[ Chi ]
1:
kulay sa pagitan ng dilaw at ng bughaw sa ispektrum — pnr lung·tí·an
2:
BÉRDE1 GÁDDUNG, GREEN, HALUNGTIYÁNG, LANGTÓ1 ÚNHAW1