m
M, m
2:
png ikasampung titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na ma2
3:
ikalabintatlo sa isang serye o pangkat
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng M o m
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik M o m.
M
png |Mat
:
pamílang na Romano para sa isang libo.
ma
png
1:
pinaikling máma
2:
tawag sa M sa abakadang Tagalog
3:
Zoo
uri ng mollusk na may talukab na tíla kutamaya.
ma-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, kadalasang nagtutuon sa nagpapakíta ng abilidad o kakayahang gawin nang kusa o sinasadya alinsunod sa kahulugan ng salitâng-ugat, hal makúha, madalá, mabása
2:
pambuo sa pandiwang palayón, nagsasaad ng pag-iral hal mabúhay, mamatay, maaarì Cf NA-1
3:
pambuo ng pandiwang palayón at nagsasaad ng aksiyong nagaganap sa tauhan, hal mahulog, malaglag, masirà Cf NA-2
4:
pambuo ng pandiwa at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang pantig, karaniwang nangangahulugan ng maaari o hindi maaari, hal mahuhulog, makakáya, masisirà Cf NA-3
5:
pambuo ng pandiwa, ginagamit sa salitâng-ugat at dinudugtungan ng hulaping -an, nangangahulugang magagawâ ang isang bagay, hal matamaan, masulatan, mabigyan
6:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng dami o kalidad, hal maganda, matipíd, mataás
7:
pambuo ng pang-uri o pang-abay alinsunod sa gamit bílang ekspresyon sa salitâng-ugat na nagpapakíta ng antas o asal, hal mayábang, malambing, malupít
8:
pambuo ng maramihang pang-uri o pang-abay kapag ikinabit sa salitâng-ugat at inuulit ang unang pantig nitó, hal maaaláhas, makúkuwarta, mayáyaman.
MA (em ey)
png daglat |[ Ing ]
:
Master of Arts.
ma·a·a·rì
pnr pnb |[ ma+a+arì ]
ma·a·a·sá·han
pnr |[ ma+a+ása+han ]
:
may kakayahang gumawâ nang mahusay at tapusin ito sa isang takdang panahon : DEPENDABLE,
HARD9,
RELIABLE,
SURE2
ma·á·ga
pnr pnb |[ ma+aga ]
:
dumatíng o nangyari bago ang inaasahan o karaniwang oras : EARLY,
MATÚTINÁL2,
SAYÓ,
TEMPRÁNO
ma·á·gap
pnr |[ Kap Tag ma+ágap ]
ma·a·la·lá·ha·nín
pnr |[ ma+alalá+han+ in ]
:
nagpapakíta ng pagsasaalang-alang sa pangangailangan at damdamin ng iba : THOUGHTFUL
ma·ál·mot
png |[ Kal ]
:
mandirigmang magiting at matapang.
ma·á·long
png |[ ST ]
:
pagpapakíta ng tapang.
ma·ám-ma·á·big
pnr |[ Igo ]
:
maingat sa pagtupad ng mga pamahiin.
ma·a·mò
pnr |[ ma+amò ]
:
sa hayop, hindi mabangis o mailap, karaniwan dahil inaalagaan : AMÁK,
DOMESTIKÁDO2,
MANSÓ,
TAME
má·ang
png
:
pagkukunwari na walang-alám o tunggak, gaya sa “magmaang-maangan.”
ma·á·ni
pnr |[ ma+ani ]
:
tigib sa ani.
ma·a·nó
pnd |[ ma+ano ]
1:
repleksibo na nangangahulugang magkaroon o maganap ang anuman, hal máanó, naanó
2:
pantulong na pandiwa at kadalasang may ng na nagsasaad ng isang kahilingan, hal “Maanong yumaman ka na!” Cf HÁRIMANAWARÌ,
NAWÂ
3:
ginagamit sa mga idyomatikong ekspresyon ng pagwawalang-bahala na kadalasang sinusundan ng kung, hal “Maanó kung mayaman sila!”
4:
sa mga probinsiya ng Quezon, Marinduque, Mindoro at ibang pook sa Batangas, karaniwang ipinampapalit sa Kumustá, hal “Maano ka na?”
Ma·á·no!
pdd |[ ma+ano ]
:
nagpapahayag ng pagwawalang bahala at pagpipilit ng gusto var Máno!
ma·á·pon
png |Bot
:
uri ng itim na funggus.
ma·á·pon
pnr |[ ST ]
:
salitâng Ilonggo, maitim, katamtaman ang laki.
ma·ár·te
pnr |[ ma+árte ]
:
punô ng arte, karaniwang tumutukoy sa mapag-malabis na paggamit ng sining o kayâ’y artipisyal na ugali.
Ma·á·sin
png |Heg
:
kabesera ng Southern Leyte.
ma·ba·bàng ka·pu·lu·ngán
png |Pol |[ ma+babà+ng ka+púlong+an ]
:
isa sa kapulungan ng batasang bikame-ral, karaniwang binubuo ng mga kinatawan mula sa distritong lokal : KÁMARÁ DE REPRESENTÁNTES Cf HOUSE OF REPRESENTATIVES
ma·ba·bàng pa·a·ra·lán
png |[ mababà+ na+paaralan ]
:
ang pinakamababàng antas ng pag-aaral na nagbibigay ng pormal na mga instruksiyon at mga tuntunin ng pag-aaral, karaniwang mulang anim hanggang walong taon : ELEMENTÁRYA3,
ELEMENTARY SCHOOL,
PÁARALÁNG ELEMENTÁRYA
ma·bá·gal
pnr |[ ma+bágal ]
:
kumikilos o ginawâ nang hindi mabilisan : DILATÓRYO2,
MALÍWAG,
MASÁGAL,
SLOW1
ma·bag·sík
pnr |[ ma+bagsík ]
:
may angking bagsik.
ma·ba·há·la
pnd |[ ma+bahála ]
:
isipin o isangkot ang sarili sa isang problema.
ma·ba·hò
pnr |[ ma+bahò ]
:
may katangian ng bahò, dahil hindi sariwa o matagal nang patay : ÁLOT3,
FOUL1,
AMÓY-BÁBOY,
DUGDÓG
ma·bál·yan
png |Mit |[ Bag ]
:
mga babaeng pinahihintulutang gumawâ ng pelangi sa ilalim ng pangangalaga ni Bait Pandi.
ma·ba·ngís
pnr |[ ma+bangis ]
ma·ba·ro·rón
png |Bot |[ ST ]
:
maliit na punongkahoy na higit na malambot at maputî ang pinakakatawan.
ma·bá·yang-loób
pnr |[ ST ]
:
mahinahon ang pag-iisip, at mahinay.
ma·bi·lís
png |Gra |[ ma+bilís ]
:
paraan ng pagbigkas ng salitâ na tuloy-tuloy hanggang hulíng pantig, hal talóng, tutubí, sapín-sapín.
ma·bi·lís
pnr |[ ma+bilís ]
má·bi·lí·san
pnr pnb |[ ma+bilis+an ]
1:
gumawâ nang nagmamadali : DAGLÌAN,
ÉKSPRES,
EKSTÉMPORANEÓ1,
ÉSPONTÁNEÓ3
2:
kailangang gawin sa madalîng panahon : DAGLÌAN,
ÉKSPRES,
EKSTÉMPORANEÓ1,
ÉSPONTÁNEÓ3
Mabini, Apolinario (ma·bí·ni a·po·li· nár·yo)
png |Kas
:
(1864–1903) tinaguriang Utak ng Himagsikang Filipino at nagsilbi bílang pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
ma·bó·lot
png |[ Kal ]
:
mandirigmang nakapatáy ng limáng tao at may karangalang magsuot ng puláng damit na tininà sa pamamaraang tritik.
ma·bu·há·ngin
png |Bot |[ ST ma+buhángin ]
:
isang uri ng damo.
ma·bú·lo
png |Bot |[ Hil Ilk Seb Tag War ]
:
punongkahoy (Diospyros philippinensis ) na katutubò sa Filipinas, maitim ang kahoy, bilóg ang mabangong bunga na kulay pulá, at may pinong balahibo : TÁLANG3 var mabólo Cf KAMAGÓNG1
ma·bú·ti
pnr |[ ma+búti ]
Macao (ma·káw)
png |Heg |[ Ing Por ]
1:
teritoryong dáting sakop ng Portugal at matatagpuan sa Timog China
2:
ang pantalán at kabesera ng naturang pook
3:
macaque (ma·kák)
png |Zoo |[ Ing ]
:
unggoy (genus Macaca ) na katamtaman ang lakí at may mahabàng mukha.
macaroon (má·ka·rún)
png |[ Ing ]
:
keyk o biskuwit na gawâ sa putî ng itlog, asukal, at dinikdik na almond o kinayod na niyog.
macaw (ma·kó)
png |Zoo |[ Ing ]
:
lorong (genus Ara ) malakí at may mahabàng buntot na matitingkad ang kulay, karaniwan sa Gitna at Timog America.
Maccabee (má·ka·bí)
png |Kas |[ Ing Heb Lat ]
1:
kasapi o tagapagtaguyod ng pamilyangng mga Jewish na naghimagsik laban sa haring Seleucid noong 167 BC sa pangunguna ni Hudas Maccabeo ng Hudea
2:
apat na aklat ng kasaysayan at teolohiya ng mga Jewish.
mace (meys)
png |[ Ing ]
1:
kawani ng opisina
2:
mabigat na pampalòng may metál na dulo at espiga.
machiavellian (mák·ya·bél·yan)
pnr |Pol |[ Ing Ita Nicollo Machiavelli+an ]
:
bansag sa kilos pampolitika na hindi nagsasaalang-alang sa kinagisnang moralidad.
machismo (ma·tsís·mo)
png |[ Ing Esp ]
:
labis na paggigiit ng pagkalaláki.
macho (má·tso)
png |[ Esp ]
:
tao na lubhang ipinagpaparangalan ang pagkalaláki.
mackerel (mák·ke·rél)
png |Zoo |[ Ing ]
macrame (má·kra·méy)
png |Sin |[ Ing ]
1:
sining ng pagtatalì ng sintas para makagawâ ng dekorasyon
2:
dekorasyong gawâ sa ganitong pamamaraan.