maka


ma·ká-

pnl
1:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng pagkampi o pagpanig at may kasámang gitling kapag sinusundan ng pangngalang pantangi, hal, maka-Americano, maka-Español, maka Ingles ; o ikinakabit din sa mga pangngalan o pang-uri nang walang gitling kapag pangngalang pambalana, hal makabago, makabansâ, makabayan
2:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng pananhî, hal makabása, makabuti, makasamâ
3:
katulad ng maka-2 subalit ginagamit bago ang tambalan at naglalarawan na salitâng-ugat, hal makaagdong-buhay, makaalis-antok, makabagbag-loob
4:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng abilidad o awtoridad na gumawâ at kumilos, hal makabása, makabilí, makasulat, makasigaw Cf NAKA-
5:
pambuo ng pang-abay, nagsasaad ng pag-uulit, hal makailan, makalima, makasampu Cf NAKÁ-

Má·ka

png |Mit |[ ST ]
:
pook na himlayan ng mabubuting kaluluwa.

ma·ka·bá·go

pnr |[ maka+bágo ]
1:
hinggil sa panahong kasalukuyan o malapit na nakaraan, kasalungat ng malayòng nakaraan : MÓDERN, MODÉRNO
2:
may katangian o gumagamit ng pinakabagong pamamaraan, kagamitan o kaisipan : MÓDERN, MODÉRNO
3:
nagpapahayag ng paghiwalay o pagsalungat sa tradisyonal na estilo at halagahan : MÓDERN, MODÉRNO, NEOTERIC2

ma·ka·ban·sâ

png pnr |[ maka+bansâ ]
:
tao na nagmamahal, nagtataguyod, at handang ipagtanggol ang kapa-kanan at interes ng kaniyang bansa : NASYÓNALÍSTA, NATIONALIST Cf PATRIYÓTIKÓ

ma·ka·bá·yan

pnr |[ maka+báyan ]
:
nagmamahal, nagtataguyod, at handang ipagtanggol ang kapakanan at interes ng kaniyang bayan : PUBLIC SPIRITED Cf PATRIYÓTIKÓ

ma·ka·bíg-at

png |Zoo |[ ST ]
:
batàng usa na medyo malaki.

Ma·ka·bó·sog

png |Mit
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, diwatang nagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom.

Ma·ka·bó·teng

png |Mit |[ Ted ]
:
anitong nangangalaga sa mga usa at baboy-damo.

ma·ka·bú·hay

png |Bot |[ maka+búhay ]
:
baging (Tinospora rumphii ) na gumagapang at may mga sangang nagtataglay ng mapait na likido : PALYÁWAN, PANYÁWAN

ma·ka·bú·hay

pnr |[ maka+búhay ]
:
nakapagbibigay ng sigla ; nakapagbibigay ng búhay.

ma·ka·bu·lu·hán

pnr |[ maka+búlo+ han ]
:
may kabuluhan : MATERYÁL3, RELEVANT, RELEVANTE

ma·ka·bus·nî

pnr |[ Kap ]

ma·ka·hi·yâ

png |Bot |[ maka+hiyâ ]
:
haláman (Mimosa pudica ) na may pinong dahong tumitiklop kapag náhipò o násalíng at pink ang bilog at mabalahibong bulaklak, ipinasok mula sa tropikong America : ANDI-BAÍNG, BAÍN-BAÍN, DAMÚHIYÂ, HARÚPAY, HUYÁ-HUYÂ, KIPÎ-KIPÎ, MALAMARÍNE, MIMÓSA, SASAPÍREN, TOUCH-ME-NOT, TURÓG- TURÓG

ma·ka·hi·yâng-la·láki

png |Bot |[ maka+ hiyâ+laláki ]

ma·ka·hu·lu·gán

pnr |[ maka+hulog+an ]
:
maraming kahulugan : MEANINGFUL

ma·ka·í·lan

pnb |[ ST maka+ilan ]
:
ilang ulit ginawa ang isang bagay, hal “Makailan kang nalango.”

ma·ka·i·ná

pnr |[ maka+iná ]

ma·ka·i·sá

png |Bot |[ maka+isa ]
:
punongkahoy na may bungang nakukuhanan ng lason sa isda.

ma·ka·ka·li·mu·tín

pnr |[ makaka+límot+in ]
:
madalî o madalas makalimot : BALINGÁW2, TAGULÍMOT

ma·ka·lag·lág-mat·síng

pnr |[ maka+laglag-matsing ]
:
matindi at paulit-ulit na pagyugyog, gaya sa punongkahoy.

ma·ka·la·lá·wang

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng yerbang walang silbi.

ma·ka·lan·dóng-súso

png |Mit Zoo |[ ST maka+landong-suso ]
:
uri ng isda na pinaniniwalaang nakapagpapalaki ng súso ng babae kapag kinain.

ma·ka·la·wá

pnb |[ maka+dalawa ]
:
araw makaraan ang búkas : DÁMLAG Cf KAMAKALAWÁ, SAMAKALAWÁ

ma·ká·la·wá

pnr |[ maka+dalawa ]
:
dalawang ulit.

ma·ka·lí·ngag

png |Bot |[ Tag ]

ma·kal·pí

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng dalandan na ginagawâng sabon.

ma·ka·lu·mà

pnr |[ maka+lumà ]
1:
mahilig o makiling sa paggamit ng lumà o hindi na napapanahon : KONSERBATÍBO1, MEDYÍBAL2, OLD-FASHIONED, VIEUX JEU
2:
may kaisipan o pananalig na laban sa pagbabago : KONSERBATÍBO1, MEDYÍBAL2, OLD-FASHIONED, VIEUX JEU

ma·ka·lu·pà

pnr |[ maka+lupà ]
:
higit na mahilig sa mga bagay na materyal o sa karaniwang búhay kaysa búhay na espiritwal : KARNÁL2, MAKAMUNDÓ, MUNDANÁL, TÉMPORÁL1, TERENÁL, TERRESTRIAL4, WORLDLY

ma·ka·mun·dó

pnr |[ maka+múndo ]

ma·kán

png
1:
Bot [ST] uri ng palay sa tubigan, maganda at mabango, may uring putî ang bigas at may uring may kulay
2:
Zoo uri ng baboy na malinamnam ang karne kapag iniluto.

ma·ka·ná·nu

pnb |[ Kap ]

ma·kan-á·wak

png |[ Pan ]

ma·ká·pag-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagkakaroon ng pagkakataon, hal makapag-aral, makapagtinda, makapagbili Cf NAKÁPAG-

ma·ká·pag·pá-

pnl
:
mula sa anyong magpa-, nagsasaad ng kakayahan, ng patunay na maganap ang isang hiling, tanong, o utos, o ng pagpayag na maganap ang isang aksiyon, hal makapagpatahî, makapagpatubig Cf NAKÁPAGPÁ-

ma·ka·pál

pnr |[ ma+kapal ]
:
may natatanging kapal : BAHÓL1, HIBÁG, THICK

ma·ka·pál ang bul·sá

pnr |[ ma+kapal ang bulsa ]
:
maraming pera.

ma·ka·pál ang muk·há

pnr |[ ma+kapal ang mukha ]

ma·ka·pál ang pá·lad

pnr |[ ma+kapal ang palad ]
:
sanay sa gawaing pisikal o kayâ dukhâ.

ma·ka·páng·ya·rí·han

pnr |[ ma+ka+pang+yari+han ]
:
may angking kapangyarihan : AWTORITATÍBO4, PÓTENT3

Ma·ka·pá·nis

png |Asn
:
bituin sa unang magnitud ng konstelasyong Bootes : ARCTURUS

ma·ká·pat

png |Bot |[ ST ma+ika+apat ]
:
uri ng palay na nahihinog sa loob ng apat na buwan makaraang itanim.

ma·ká·pil

png |Bot |[ ST ma+ika+apat ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.

ma·ka·pi·láy

png |Bot |[ ST ma+ika+ piláy ]
:
uri ng palay sa tubigan, mabigat, at may kulay.

ma·ka·pu·nô

png |Bot |[ Ilk Tag maka+ punô ]
1:
bunga ng niyog na may makapal at malambot na lamán na karaniwang ginagawâng minatamis
2:
uri ng niyog na may ganitong bunga.

ma·ka·rág

pnr |[ War ]

ma·ká·raw

pnr |[ Bik ma+karaw ]

má·ka·ró·ni

png |[ Ing Ita macaroni ]
:
uri ng pasta : MACARONI

ma·ká·sal

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng mámaháling bigas.

ma·ka·sa·lám·bo

pnr |[ Kap maka+salambo ]

ma·ka·sa·lá·nan

pnr |[ maka+sala+ han ]
:
punô ng kasalanan sa isip at gawâ.

ma·ka·sa·ri·lí

pnr |[ maka+saríli ]
1:
sariling hilig o kapakanan lámang ang iniisip at sinisikap manaig : EGOTIST2, EGOTÍSTIKÓ1, SELFISH
2:
walang malasákit sa ibang tao : EGOTIST2, EGOTÍSTIKÓ1, SELFISH

ma·ka·say·sá·yan

pnr |[ maka+saysay+an ]
:
may kasaysayan o punô ng kasaysayan : HISTORIC, HISTORICAL, HISTÓRIKÓ

ma·kás·bel, ma·kas·bél

png |[ Pan ]

ma·ka·sí·pol-bu·nót

png |Bot |[ maka+sipol-bunót ]
:
búko ng niyog na nagsisimula pa lámang magkaroon ng malambot na lamán.

Ma·kás·la

png |Ant |[ Tbw ]
:
ritwal ng pagdiriwang na binubuo ng paghahanda ng lason sa isda mula sa permentasyon ng anim na uri ng gulay na hinaluan ng abo, ng pagbuhos ng naturang likido sa dagat, ng paghuli sa isda, at sinusundan ng masasayang musika, awit, at sayaw.

ma·ka·tà

png |Lit
1:
tao na lumilikha, bumibigkas, o sumusulat ng tula : BÁTE, MAGBABÁLAK, MAMALÁYBAY, MANNÁNIW, MANUNULÀ, POET, POÉTA
2:
tao na nagtataglay ng matulaing isipan, imahinasyon, at paglikha, kasáma ang husay sa pagpapahayag ng anumang iniisip o niloloob : BÁTE, MAGBABÁLAK, MAMALÁYBAY, MANNÁNIW, MANUNULÀ, POET, POÉTA

má·ka·ta·lìng-pú·so

pnr |[ maka+tali+ng-puso ]
:
mapangasawa o maging asawa ; mapakasalan.

ma·ka·ta·mí·mi

pnr |[ Kap ]

ma·ka·tá·o

pnr |[ maka+tao ]
:
punô ng pagmamahal sa kapuwa tao : HUMAN2 Cf PILÁNTROPÓ

ma·ka·ta·rú·ngan

pnr |[ maka+tarong+an ]
:
pinaiiral ang katarungan sa anumang kilos at pasiya : BANGLÁY, FAIR1, HÚSTO, JUST, RÉKTO

ma·ka·tí

pnr |[ ma+katí ]
:
labis ang katí, karaniwang nauukol sa babaeng mahilig sa seks.

ma·ka·tí ang ka·máy

png pnr |[ ma+kati ang kamay ]

ma·ka·ti·péd

png |[ Ilk ]

ma·ka·to·to·há·nan

pnr |[ maka+katotohanan ]
:
may katotohanan : REALISTÍKO2

ma·ka·tú·pang

png |Mus |[ maka+túpa+ng ]
:
sa Sulu, uri ng gong na yari sa tanso o bronse.

ma·ka·tu·wí·ran

pnr |[ ma+ka+tuwid+an ]
1:
batay o alinsunod sa katuwiran o lohika : LOGICAL, LÓHIKÓ, RASONABLE2, RASYONAL1
2:
kung sa tao, may kakayahang mag-isip ng malinaw, nauunawaan, at sang-ayon sa lohika : LOGICAL, LÓHIKÓ, RASONABLE2, RASYONAL1
3:
hindi naniniwala sa hindi napapatunayan sa pamamagitan ng katwiran, lalo na hinggil sa relihiyon o kaugalian : LOGICAL, LÓHIKÓ, RASONABLE2, RASYONAL1
4:

ma·ka·ú·gum

png |Zoo |[ Seb ]

ma·ká·ya

pnr |[ ma+káya ]
:
magawâ o maisagawâ nang walang katulong ang isang tungkulin o gawain.

ma·kay·sá

png |Bot |[ ST ma+kaysa ]
:
bungangkahoy na pampurga var kamaysá