nino


ní·no

pnh |[ Ilk Tag ]
:
ibang anyo ng kaníno ; ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pagmamay-ari, at isinusunod sa pangalan ng itinatanong, hal Bahay nino ito? : IISÁY, KÁNSANG, NI, NI KÍNSA, NI SÍN-O

Niño (nín·yo)

png |[ Esp ]
:
sa mga Kristiyano, taguri sa batàng Jesus.

ní·nong

png |[ Ilk Pan Tag ]
1:
pinaikling padríno
2:
laláking isponsor sa binyag, kumpil, at kasal, ní·nang kung babae : AMAÓN, ATÁNUD, INÁAMÁ, KOMPÁDRE1, MANÍNOY, TEGÁWAN

Niños Inocentes (nín·yos i·nó·sen·tes)

png |[ Esp ]
1:
araw na gumugunita sa pagpaslang ng mga sanggol bílang pagsunod sa utos ni Herodes ; ginugunita tuwing Disyembre 28
2:
panloloko o panlilinlang sa naturang araw.