ot
ó·tap
png
:
biskuwit na hugis biluhabâ at binudburan ng asukal.
otherness (á·der·nés)
png |[ Ing ]
1:
kalidad ng pagiging iba ; pagkakáiba-ibá
2:
bagay o pag-iiral maliban sa isang bagay na nabanggit at ang paksa na umiiral sa isip.
otherwise (á·der·wáys)
pnb |[ Ing ]
1:
sa ibang pagkakataon
2:
sa ibang katangian, pamamaraan, o kalagayan.
otitis (o·táy·tis)
png |Med |[ Ing ]
:
sa patolohiya, pamamagâ ng tainga.
ó·tok
pnd |i·ó·tok, ma·ó·tok, o·tú·kin |[ War ]
:
pigilin ang paghinga.
otolaryngology (o·to·la·rin·dyó·lo· dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
sangay ng medisina hinggil sa pag-aaral ng anatomiya, funsiyon, at mga sakít sa tainga, ilong, at lalamunan.
otolith (ó·to·lít)
png |[ Ing ]
:
maapog na pamumuo sa loob ng tainga ng mga vertebrate.
o·tor·gá
png |[ Esp otorgar ]
:
pagsang-ayon o pagtanggap na managot sa pamamahala ; pangangasiwa o pag-aalaga sa sinuman o anuman.
ót-ot
png
:
pagsipsip sa anumang bagay upang malibang, karaniwang ginagawâ ng mga sanggol.
ó·tso·si·yén·tos
pnr |Mat |[ Esp ochocientos ]
:
walóng daán.
otter (ó·ter)
png |[ Ing ]
:
anumang mamalya (genus Lutra ) na nabubúhay sa tubig, mabalahibo, tíla súpot ang paa, karniboro, at may mahabàng buntot.
Ót·to·mán
png |[ Ing Tur ]
1:
pa-Ingles na anyo, tumutukoy kay Emperador Osman I ng Turkey at sa Imperyong Turkese na lumaganap sa timog-silangang Europa hanggang Africa noong ika-16 at ika-17 dantaon
2:
sa maliit na titik, mababang upuan na may kutson.