pílas
plá·sa
png |[ Esp plaza ]
2:
patyo ng simbahan : PLÁZA
3:
malawak na damuhang ginagamit na larúan o pahingahan : PLÁZA
pla·sé
pnr |[ Esp ]
:
tumutukoy sa isang kabayo na nanalo ng pangalawang puwesto sa karera o sa premyo na iginagawad sa ganitong puwesto.
plás·kard
png |[ Ing flashcard ]
:
karton o kartolinang may mga salita, numero, o larawan na ipinakikíta sa mga pagsasanay sa paaralan : FLASH CARD
plás·layt
png |[ Ing flashlight ]
:
de-bateryang kagamitan na may bom-bilya at tatangnan, ginagamit na pantanglaw kung madilim : LÉNTE3,
FLASHLIGHT1
plás·ma
png |[ Ing ]
1:
Ana
sa pisyolo-hiya, ang likidong bahagi ng dugo o lymph na naiiba sa iba pang mga elemento
2:
Bio
protoplasma
3:
kalse-donya na lungti at hindi gaanong naaaninag
4:
Pis
ang mataas na ionized gas, na nagtataglay ng tina-táyang may magkakapantay na bílang ng positibong mga ion at elektron.
plás·mid
png |Bio |[ Ing ]
:
henetikong estruktura sa cell na mag-isang naka-pagsasalin ng mga chromosome, lalo ang paikót na hibla ng DNA sa mga bakterya o protozoa.
plas·tá
pnd |mag·pa·plas·tá, plas·ta· hín |[ Esp ]
:
mapabagsak o bumagsak nang lapát na lapát ang katawan sa binagsakan, karaniwang dahil sa labis na págod o hírap.
plas·tá·do
pnr |[ Esp ]
1:
hindi makaba-ngon mula sa pagkakahiga dahil sa matinding pagod o karamdaman : PILPÍL
2:
lápat at makinis ang pagka-kadikit.
plás·ter
png |[ Ing ]
1:
anumang subs-tance na may pandikit at ipinapahid sa dingding, kisame, at iba pang rabaw upang pakinisin o patigasin : EMPLASTO
2:
pinulbos na gypsum : EMPLASTO
plastic arts (plás·tik arts)
png |[ Ing ]
:
mga anyo ng sining na iniukit o imi-nolde, gaya ng eskultura o seramika.
plastic surgery (plás·tik·sér·dye·rí)
png |Med |[ Ing ]
:
pagtistis upang isaayos o palitán ang nasirà, napinsala, o nawalang organ o tissue sa katawan.
plás·tid
png |Bio |[ Ing ]
:
alinman sa ilang maliliit na kalipunan ng protoplasma, na natatagpuan sa mga cell ng haláman at ilang protozoa.
plás·tik
png |[ Ing plastic ]
plás·ti·si·dád
png |[ Esp plasticidad ]
:
katangiang nahuhubog, nababago, o naisasaayos ang anyo.