page
pá·ge
png |Zoo |[ Bik Hil Ilk Kap Mrw Pan Seb Tag War ]
:
isda (order Batiformes ) na malapad, sapád, at may palikpik na tíla pakpak at buntot na mahabà at makitid : RAY4 var pági Cf EAGLE RAY,
ELECTRIC RAY,
MANTA RAY,
STINGRAY
pageant (pád·yent)
png |[ Ing ]
1:
publikong palabas na nagpapakíta ng kasaysayan ng isang pook o institusyon sa pamamagitan ng dramatikong interpretasyon o ng parada ng makukulay na karosa
2:
prusisyon, kasuotan, maskara, o alegorikong tableau bílang bahagi ng pagdiriwang na pangmadla
3:
palabas na walang kabuluhan.
pageantry (pád·yen·trí)
png |[ Ing ]
:
anumang pampublikong palabas.
pá·geng-bú·lik
png |Zoo |[ page+na bulik ]
pager (péy·dyer)
png |[ Ing ]
:
radyong kasangkapan na may patunog at napaaandar mula sa isang sentro upang tawagan ang gumagamit nitó.
pa·géy
png
1:
Bot
[Pan]
pálay1,2
2:
Agr
[Igo]
ritwal ng unang pag-aani ng bagong kasal sa kanilang bukirin.