papag
pa·pág-
pnl
:
karaniwang ginagamit kasáma ang hulaping –in o –hin sa pandiwa upang mangahulugang pahintulutan o ipagawâ sa isang tao ang isang bagay, hal papág-aralin, papagtrabahuhin.
pa·pa·gá·yo
png
1:
Zoo
[Esp]
uri ng loro (order Psittaciformes ) na maha-bà at makulay ang balahibo
2:
saranggolang hugis ibon.