tiyaw
tí·yaw
png |Zoo |[ Btk Pal Tbw ]
:
katutubòng myna (Gracula religiosa ), malakí ang katawan, itim ang balahibo na may bahid na morado at lungtian, dalandang pulá ang tukâ, madilim na kayumanggi ang matá, dilaw ang paa, at may kakayahang manggaya ng salita : HILL MYNA
ti·ya·wók
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng maingay na ibon.
ti·yá·wong
png |[ ST ]
:
pagdadala ng babae sa pinunò ng sasakyang-dagat.