tubo


tu·bó

png |Bot
:
damo (Saccharum officinarum ) na tumataas nang hanggang 5 m, mahabà ngunit makitid ang dahon, lungtian ang muràng katawan at lila o kayumangging may bahid na pulá kung magulang na, ginagamit sa paggawâ ng asukal, alkohol, alak, sukà, at iba pa : CANE2, CAÑA2, ÚNAT3, SUGAR CANE, TIBÓS

tu·bò

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
proseso ng natural na pagdaragdag sa lakí o súkat ng anumang buháy na bagay dulot ng pagkain o katulad na elemento na nagpapalakí : GETÓK
2:
Ekn dagdag na halaga sa presyo ng isang bagay bílang pakinabang sa pagbebenta, o anumang katulad : DÓRO3, GAIN2, GONGONA, MARK-UP, PROFIT, ÚNTONG2, ÚWI2 Cf INTERÉS
3:
pook na pinagmulan ng isang tao o bagay Cf KATUTUBÒ
4:
Bot panimulang anyo ng pagsupling ng haláman mula sa bunga o binhi nitó.

tú·bo

png |[ Esp ]
:
payát at hungkag na piraso ng metal, glass, goma, at iba pa na ginagamit sa pagpapadaloy ng likido : PIPE1

tu·bód

png |Heo |[ Hil Seb ]
:
tu·bu·rán bukál1

tú·bod

png
:
sunóg na lamán ng isda.

Tú·bod

png |Heg
:
kabesera ng Lanao del Norte.

tu·bóg

png |[ Bik Tag ]
2:
bábad o pagbabad.

tu·ból

png |[ Seb War ]

tu·bóng

png
1:
[Seb War] patukâ1
2:
[Pan] bumbón1

tú·bong

png
1:
[ST] talì sa leeg
2:
Bot [Ilk] bumbóng1

tu·bóng bi·ná·boy

png |Bot |[ ST tubó+na b+in+aboy ]
:
isang uri ng malaking tubó.

tu·bòng lú·gaw

png |[ ST tubò+na lugaw ]
:
malaking tubò sa kakaunting puhunan.

tu·bós

png |pag·tu·bós
1:
pagkuha o muling pagbilí sa isinangla
2:
pagliligtas mula sa kasalanan at kaparusahan : ÁHON5

tu·bó-tu·bó

png |Bot
:
maliit na punongkahoy na tumutubò malapit sa dagat.

tú·bo-tú·bo

png
1:
Zoo malakíng isdang-alat (family Aulostomidae ) na may tíla túbong nguso at ulo at may mahabàng tíla túbong katawan, may nag-iisang specie sa Filipinas (Aulostomus chinensis ) : TRUMPETFISH
2:
Bot [Bik] binayúyu.

Tú·boy

png |Ant Lgw
1:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Subanen
2:
tawag din sa wika nitó.