tuya


tu·yá

png |Bot
:
yerba (Pouzolzia zeylanica ) na gumagapang at ginagamit na gamot sa nagnanaknak na sugat.

tu·yà

png
:
larong gumagamit ng bao ng niyog.

tu·yâ

png |pa·nu·nu·yâ
1:
pahayag o kilos na may layuning pagtawanan ang pinapaksang tao, bagay, o pangyayari : BIÁYBIÁY, MOCKERY, RIDICULE, URÓY Cf AGLAHÌ
2:
isang hindi tapat at suwail na panggagaya, malimit may bisà na pababain ang halaga ng ginagaya : BIÁYBIÁY, MOCKERY, RIDICULE, URÓY

tú·ya

png |Med |[ Iva ]

tu·yá·ab

png |[ Ilk ]
:
iyak na nakabubulahaw : RUNGÁAB

tú·yag

png |[ ST ]
:
pagtutuwid ng kahoy o kawayan sa pamamagitan ng paglabra dito.

tu·yár

pnr |[ Pan ]

tu·yáw

png |[ Bik ]

tu·yáw

pnr |[ War ]