u
U, u
png
1:
ang ikadalawampu’t tatlong titik sa alpabetong Filipino, at tinatawag na yu
2:
ikalabingwalong titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na u
3:
ikadalawampu’t tatlo sa isang serye o pangkat
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng U o u
5:
tipo, gaya ng sa printer upang magawâ ang titik U o u.
u·ád
png
:
anumang nátirá sa palay na kinain ng dagâ.
u·bág
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng ilahas na ube.
u·bá·hob
png |Med |[ ST ]
:
pagsuob sa babaeng bagong panganak o sa maysakít.
u·bá·kan
png |Bot |[ ST ]
:
yantok na may balát.
ú·ban
png |[ Bik Hil Ilk Kap Seb Tag ]
:
putîng buhok sa ulo — pnd mag·ka·ú·ban,
mag-ú·ban,
u·bá·nin.
u·bá·nin
pnr |[ uban+in ]
:
maagang pumutî ang buhok.
u·bá·ob
png
1:
anyo ng ulo o mukha na nakasubasob
2:
pagkatálo sa laro, away, sugal, at katulad
3:
pagkalulóng sa anumang bagay.
u·bás
png
1:
[ST]
paliligo ng babae sa unang pagkakataon na dinatnan ito ng regla
2:
[Bik]
tuyông lupa.
u·bás
pnr
:
wala nang katas, gaya sa nátirá sa gugo matapos itong gamitin.
ú·bas
png
1:
Bot
[Esp uva+s]
baging (genus Vitis ) na makinis ang balát, kumpol-kumpol ang bunga na nakakain at nagagawáng alak, katutubò sa Europa : GRAPE
2:
Bot
[Bik Hil Seb Tag]
sapal ng gugo.
ú·bat
png |Bot |[ ST ]
1:
isang uri ng halaman
2:
kahoy na mula sa China.
u·ba·tí·kos
png |Heo |[ ST ]
:
batóng mineral mula sa China na kombinasyon ng arseniko at asupre.
u·ba·yà
png |[ ST ]
:
salitâng-ugat ng paubayà, paggálang sa iba at pagbibigay ng pagkakataon sa kaniya na sabihin ang kaniyang katwiran, at págpapaubayà, pagiging mahinahon at mapagbigay-daan var ubáya
ú·be
png |Bot |[ Bik Hil Iba Ilk Kap Mag Seb Tag War ]
u·bò
png |pag-u·bò |Agr
:
paglilipat ng pananim o haláman sa isang pook.
ú·bod
png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
2:
ú·bod
pnb
:
nagpapahayag ng sukdulang antas ng isang katangian, hal ubod ng ganda, ubod ng pangit.
ú·bog
pnd |mag-ú·bog, u·mú·bog |[ Seb ]
:
lumusong sa tubig.
ú·bon-ú·bon
png |Zoo
:
ibong kauri ng sabukot (Centropus melanops ) bagaman mas malakí, kulay kayumanggi ang balahibo sa likod, at pakpak at may itim na balahibo sa paligid ng matá : BLACK-FACED COUCAL
ú·bos
png |pag-ú·bos
:
kilos para mawala lahat at walang mátirá sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, pagpatáy, pagpuksa, at katulad : ÍGOS1
ú·bos-ká·ya
pnr
:
ibinuhos ang lahat ng lakas at kakayahan.
u·brá
png |Med |[ Esp obrar ]
:
pagdumi sanhi ng bisà ng purga.
u·bú·hin
pnr |Med |[ ubo+hin ]
:
madalîng magkaroon ng ubó ; laging inuubó.
udder (á·der)
png |Zoo |[ Ing ]
:
glandula ng mamalya, lalo ng mga babaeng hayop, nakalawit na tíla súpot at may utong.
ud·lót
pnr |ma·ud·lót
:
bahagya o pansamantalang matigil.
ú·don
png |[ Jap ]
:
makapal na uri ng pansit na gawa sa trigo sa Japan.
ud·yók
png |pag-ud·yók
1:
2:
paghimok para kumilos o para gawin ang isang bagay na maselan o mapanganib : INCITEMENT — pnd mang-ud·yók,
ud· yu·kán.
ud·yóng
pnr
:
malakí ang puson.
UFO (yu ef o)
daglat |[ Ing ]
:
unidentified flying object.
u·gâ
png
1:
galaw ng isang mabuway na bagay, hal posteng maluwag ang hukay, bahay na nilindol, mesang mahinà na ang paa, o ngiping may sirà : LINDÍ
2:
Bot
[Iba]
ugát1-5
u·ga·gà
png
:
kilos ng pagpipilit na tapusin ang lahat ng gawain.
u·gá·ga
png |[ ST ]
:
mabagal at mabigat na galaw ng katawan dahil sa karamdaman.
ú·gak
png |[ ST ]
:
ingay ng maalong dagat.
u·ga·lì
png |pag-u·u·ga·lì |[ Bik Hil Ilk Kap Pan ST ]
1:
gawì var ugáli
2:
kilos at pananalita na kakikitahan ng personalidad ng isang tao : BEHAVIOR,
TEMPERAMENT
3:
anumang pagtugon ng isang organismo sa lahat ng may kaugnayan sa kaniya : BEHAVIOR
4:
anumang gawain ng isang organismo : BEHAVIOR
5:
aksiyon o reaksiyon ng anumang materyal sa isang sitwasyon : BEHAVIOR
u·gá·og
png |[ ST ]
:
malakas at sunod-sunod na pag-uga sa punongkahoy upang malaglag ang bunga.
u·gá·pang
png |Zoo
:
katamtaman ang laking isdang-alat at kauri ng banak (Ellochelon vaigiensis ), may pinilakang kulay na madilim sa pang-itaas na bahagi ng katawan, at dilaw ang buntot : DIAMOND-SCALE MULLET
u·gát
png |[ Bik Hil Seb Tag Tau ]
1:
2:
3:
4:
5:
u·gáw
png
1:
Zoo
[ST]
bakúlaw1
2:
Kol
tawag sa tao na malaki kaysa karaniwan
3:
[Pan]
sanggól1
4:
Zoo
[ST]
isang uri ng ibon.
ug·bós
png |Bot |[ ST ]
:
suloy na umuusbong sa tuód.
ug·dáy
png |[ ST ]
:
paglakad nang nanghihina na mistulang babagsak na.