ubo


u·bó

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
Med biglaang paglabas ng hangin mula sa bagà na may marahas na tunog at kadalasang hindi sinasadya : COUGH, GUGÚ, IKÁG, KUKÙ, LEGÉT, LÍGET, UKÓK, UYÉK
2:
tunog na nalilikha dulot nitó : COUGH, GUGÚ, IKÁG, KUKÙ, LEGÉT, LÍGET, UKÓK, UYÉK — pnd u·bu·hín, u·mu·bó
3:
[Pan] punsó.

u·bò

png |pag-u·bò |Agr
:
paglilipat ng pananim o haláman sa isang pook.

ú·bod

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
Bot ang malambot o makunat na gitnang bahagi ng haláman o ilang uri ng punongkahoy : ABBÍANG, APÓNGOL, BALÚDLOD, BELYÁT, BÚGAS, ÍSUK, PITH, UBÚD
2:
ang tíla gitna o puso ng isang kilusan, usapin, at katulad : CORE var úbor

ú·bod

pnb
:
nagpapahayag ng sukdulang antas ng isang katangian, hal ubod ng ganda, ubod ng pangit.

u·bóg

png |Zoo |[ Seb ]

ú·bog

pnd |mag-ú·bog, u·mú·bog |[ Seb ]
:
lumusong sa tubig.

u·ból-ú·bol

png |Ana |[ Seb ]

ú·bong

png |[ Ilk ]

ú·bon-ú·bon

png |Zoo
:
ibong kauri ng sabukot (Centropus melanops ) bagaman mas malakí, kulay kayumanggi ang balahibo sa likod, at pakpak at may itim na balahibo sa paligid ng matá : BLACK-FACED COUCAL

u·bós

pnr |[ Bik Hil Mrw Seb Tag War ]

ú·bos

png |pag-ú·bos
:
kilos para mawala lahat at walang mátirá sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, pagpatáy, pagpuksa, at katulad : ÍGOS1

ú·bos-ká·ya

pnr
:
ibinuhos ang lahat ng lakas at kakayahan.