floor leader (flor lí·der)
png |[ Ing ]
:
pinunò ng isang partido sa isang asambleang pambatasan.
floor manager (flor má·ne·dyér)
png |[ Ing ]
1:
Tro
tagapamahala sa tanghalan ng isang produksiyong pantelebisyon
2:
tao na nag-aasikaso sa mga kostumer at nangangasiwa sa benta ng pamilihan, naytklab, at katulad.
floor plan (flor plan)
png |Ark |[ Ing ]
:
iginuhit na plano ng mga hati at puwang ng silid, palapag, o gusali.
floor show (flor syow)
png |[ Ing ]
:
palabas na may kantahan, sayawan, at iba pa, sa isang restoran o naytklab.
flop (flap)
pnd |[ Ing ]
1:
2:
kumilos nang asiwâ
3:
mabigo nang lubusan gaya ng pelikula na hindi kumita.
floppy disk (fláp·pi disk)
png |Com |[ Ing ]
:
flexible na magnetikong disk para sa pag-iimbak ng datos : DISKETTE
fló·ra
png |Bot |[ Esp Ing ]
1:
mga haláman ng partikular na rehiyon, panahon, o kaligiran Cf FAUNA
2:
listáhan ng mga ito.
Flo·rán·te
png |Lit
:
pangunahing tauhan sa Florante at Laura.
Florante at Laura (flo·rán·te at láw·ra)
png |Lit
:
pinakapopular na akdang awit na sinulat noong 1838 ni Francisco Balagtas, tungkol sa malungkot na búhay ni Florante ng kahariang Albanya at sa kaniyang pag-ibig kay Laura.
fló·res
png |[ Esp ]
1:
pinaikling tawag sa Flores de Mayo
2:
Isp isa sa mga set ng mga pitsa sa madyong.
florescense (flo·ré·sens)
png |[ Ing ]
:
proseso o panahon ng pamumulaklak.
Flores de Ma·ria (fló·res de mar·yá)
png |[ Esp ]
:
Flóres de Máyo.
Fló·res de Má·yo
png |[ Esp ]
:
pagdiriwang tuwing buwan ng Mayo na tinatampukan ng pagbibigay ng bulaklak bílang parangal kay Birheng Maria : ALAY3,
FLORES DE MARIA Cf FLÓRES1
florida moss (fló·ri·dá mos)
png |Bot |[ Ing ]
:
buhók ni ester.
flo·tíl·la
png |Ntk |[ Ing ]
1:
maliit na plota
2:
pangkat ng mga bangka o maliliit na bapor.
flót·sam
png |[ Ing ]
:
lumutang na labí ng nawasak na barko.
flower (flá·wer)
png |Bot |[ Ing ]
:
bulaklák ; halámang namumulaklak.
flower girl (flá·wer girl)
png |[ Ing ]
1:
babaeng nagtitinda ng bulaklak, lalo na sa lansangan
2:
maliit na batàng babae na tagapagdalá ng mga bulaklak ng babaeng ikinakasal.
flowerpecker (flá·wer pé·ker)
png |Zoo |[ Ing ]
fluctuate (flák·tyu·wéyt)
pnd |[ Ing ]
1:
tumaas bumabâ
2:
magpabago-bago ; magpaiba-iba.
fluency (flú·wen·sí)
png |[ Ing ]
1:
dulas at gaan ng daloy, lalo na sa pagsasalita o pagsusulat
2:
tatas at husay sa wika.
fluent (flú·went)
pnr |[ Ing ]
:
matatás magsalita ; mahusay sa wika.
fluid (flú·wid)
pnr |[ Ing ]
1:
may kakayahang dumaloy : FLÚWIDÓ
2:
kaugnay o binubuo ng mga fluid : FLÚWIDÓ
3:
madalîng magbago ; hindi matatag : FLÚWIDÓ
fluid (flú·wid)
png |[ Ing ]
fluke (fluk)
png |[ Ing ]
1:
suwerteng pagkakataon
2:
Zoo
parasitong uod (class Trematoda )
3:
Ntk
malapad at patatsulok na bahagi ng kawit ng angkla.
flunk (flangk)
pnd |[ Ing ]
1:
bumagsak o ibagsak, gaya sa pagsusulit
2:
mabigo ; sumuko.
fluorescence (flo·ré·sens)
png |Pis Kem |[ Ing ]
1:
bugá ng radyasyon, lalo na ng nakikítang liwanag ng isang substance kapag nalantad sa panlabas na radyasyon, gaya ng x-ray
2:
katangiang taglay ng isang substance na may kakayahan sa pagbugá
3:
ang radyasyong ibinubuga o inilalabas.
fluorescent (flo·ré·sent)
pnr |[ Ing ]
:
may fluorescence.
fluorescent lamp (flo·ré·sent lamp)
png |[ Ing ]
:
hugis túbong de-koryenteng ilaw na ang liwanag ay nalilikha sa pamamagitan ng fluorescence ng pahid ng phosphor sa loob ng túbo.
fluoridate (fló·ri·déyt)
pnd |[ Ing ]
:
lagyan ng fluoride ang tubig.
fluoridation (fló·ri·déy·syon)
png |[ Ing ]
:
paglalagay ng fluoride sa inuming tubig upang maiwasan o maibsan ang pagkasirà ng ngipin.
fluoride (flú·rayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
binary compound ng flourine.
fluorine (flo·rín)
png |Kem |[ Ing ]
:
pinakareaktibong element na di-metaliko, nakalalason, at nakaaagnas (atomic number 9, symbol F ).
flush (flas)
png |[ Ing ]
1:
2:
3:
bigla at mabilis na agos ng tubig
4:
biglang pag-init ng pakiramdam
5:
hawak na mga barahang gáling lahat sa iisang set, lalo na sa poker.
flush (flas)
pnd |[ Ing ]
1:
mamulá ; maging mapulá
2:
linisin sa pamamagitan ng ragasa ng tubig
4:
patagin, pantayin.
flush (flas)
pnr |[ Ing ]
:
saganà, lalo na sa salapi.
fluvial (flúv·yal)
pnr |[ Ing ]
:
nása ilog ; may kaugnayan sa ilog.
flux (flaks)
png |[ Ing Lat ]
1:
proseso ng pag-agos
2:
paglabas o pagpapalabas
3:
patuloy na pagbabago
4:
substance na hinaluan ng metál o iba pa
5:
Pis
proporsiyon ng agos ng anumang fluid sa isang hatag na area ; dami ng fluid na dumadaloy sa isang area sa isang hatag na panahon
6:
Pis
dami ng radyasyon sa isang area sa isang hatag na panahon
7:
Ele
kabuuang electric o magnetic field na dumadaloy sa isang rabaw
8:
Med
abnormal na paglabas ng dugo o dumi mula sa katawan.
fly (flay)
pnd |[ Ing ]
:
lumipad o magpalipad.
flyer (flá·yer)
png |[ Ing ]
1:
Aer
pilóto1
2:
bagay na lumilipad sa isang espesi-pikong paraan
3:
hayop o sasakyang mabilis
4:
tao na mapaghangad o natatangi ; bagay na katangi-tangi
5:
flying (flá·ying)
pnr |[ Ing ]
1:
lumilipad ; nakalilipad
2:
3:
nakalutang sa hangin
4:
mabilis at maikli
5:
sa hayop, nakalulundag nang malayò.
flying saucer (flá·ying só·ser)
png |[ Ing ]
:
sasakyang pangkalawakan, sinasabing pabilóg ang hugis, at ipinalalagay na nagmula sa ibang planeta at daigdig Cf UFO
flying voter (flá·ying vów·ter)
png |[ Ing ]
:
ilegal at upahang botante, bumuboto sa iba’t ibang presinto Cf FLOATER2
flyleaf (fláy·lif)
png |[ Ing ]
:
blangkong páhiná sa unahán o hulihán ng aklat.
flyweight (fláy·weyt)
png |Isp |[ Ing ]
1:
timbang sa boksing, wrestling, at weight-lifting, nása pagitan ng light flyweight at bantamweight, katumbas ng 48–51 kg sa amatyur, at nag-iiba kung propesyonal
2:
manlalaro na may gayong timbang.
flywheel (fláy·wil)
png |Mek |[ Ing ]
:
mabigat na disk na pinaiikot o pinipihit ng ehe at nagsasaayos sa takbo ng mákiná.
FM (éf·em)
daglat |[ Ing ]
:
frequency modulation2
foam (fowm)
png |[ Ing ]
1:
2:
substance na kemikal at ginagamit sa pagpatay ng apoy
3:
mga suson ng tíla bulâng substance, gaya sa gomang ginagamit sa kutson.
fob (fab)
png |[ Ing ]
1:
maliit na bulsa sa harap ng pantalon ; bulsa para sa relos
2:
kadenang ikinakabit sa relos at nakabitin sa nasabing bulsa
3:
anumang palamuting suot sa dulo ng gayong kadena.
focal length (fó·kal lent)
png |[ Ing ]
:
ang layò mula sa gitna ng lente o kurba ng salamin hanggang sa fokus nitó.
fodder (fá·der)
png |[ Ing ]
:
pinatuyông dayaming pagkain ng báka, kabayo, at iba pang hayop.
foetus (fí·tus)
png |Bio Zoo |[ Ing ]
:
hindi pa naisisilang o napipisâng anak ng isang hayop, lalo na ang hindi pa nai-sisilang na sanggol na higit walong linggo pa lámang na ipinagbubuntis var fetus
foil (foyl)
png |[ Ing ]
1:
Isp malambot na espadang pang-eskrima, may apat na kanto ang talim, at matulis ngunit mapurol ang dulo ; paligsahan sa paggamit nitó
2:
3:
Kem
asóge.
fó·kus
png |[ Ing focus ]
1:
2:
Pis
punto na pinagtatagpuan ng sinag ng liwanag, init, o iba pang radyasyon matapos magtama nang pahilis o pabalik : POKUS
3:
sa optiko, focal point ng lente ; focal length ng lente ; kalagayan ng larawan na malinaw : PÓKUS
4:
5:
Gra
sa makabagong balarila, ang relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap : PÓKUS
folacin (fó·la·sín)
png |BioK |[ Ing ]
:
folic acid.
fó·las
png |[ Ted ]
:
palayok para sa dugo ng pinatay na hayop at ginagamit kung pista o pagdiriwang.
fold
pnd |[ Ing ]
1:
tupiin o itupî
2:
tiklupin o itiklop.
-fold
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pang-uri at pandiwa mula sa kardenál na mga numero, nangangahulugang ang bílang ng pag-uulit ; binubuo ng ilang bahagi, hal twofold.
fól·ding bed
png |[ Ing ]
:
káma na naititiklop, karaniwang gawâ sa bákal o kahoy.
foliage (fó·lidz)
png |[ Ing ]
1:
Bot
mga dahon
2:
Sin
disenyo na katulad ng dahon.
folic acid (fó·lik á·sid)
png |BioK |[ Ing ]
:
sintetikong anyo ng isang kabílang sa bitamina B complex at itinuturing na mabisàng gamot sa anemya : BITAMINA B9,
BITAMINA M,
FOLACIN,
PTEROGLUTAMIC ACID
folio (fól·yo)
png |[ Ing ]
1:
papel na itiniklop upang maging dalawang dahon o apat na páhiná ng aklat
2:
aklat o manuskrito, karaniwang higit sa 27.5 sm ang taas, gawâ sa papel na itiniklop sa gayong paraan
3:
dahon o pilyego ng aklat
4:
numero ng bawat páhiná ng aklat.
folio (fól·yo)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa aklat na gawâ sa folio.
folk (fok)
pnr |[ Ing ]
:
ukol sa karaniwang tao ; nagmula o laganap sa karaniwang tao.
folk (fók)
png |[ Ing ]
:
tao sa pangkalahatan o sa tiyak na uri.
folklore (fók·lor)
png |[ Ing Ger volklerhe ]
1:
tradisyonal na paniniwala, alamat, kaugalian, at iba pa ng mga tao : POKLÓRE
2:
pag-aaral tungkol dito : POKLÓRE
folks (foks)
png |Kol |[ Ing ]
:
paraan ng tawag sa mga magulang o kamag-anak.
folk singer (fók sí·nger)
png |Mus |[ Ing ]
:
manganganta ng katutubòng awit.