macro (mák·ro)

png |Com |[ Ing ]
:
serye ng mga instruksiyong awtomatikong tumutungo sa iba pang set ng mga instruksiyon upang makagawâ ng isang tiyak na gawain.

macrocarpa (mák·ro·kár·pa)

png |Bot |[ Ing Gri makro+karpos ]
:
punongkahoy (Cupressus macrocarpa ) na karaniwang itinata-nim upang magsilbing bakod.

macrocosm (mák·ro·ká·sam)

png |[ Ing ]

macroeconomics (mák·ro·í·ko·nó·miks)

png |Ekn |[ Ing ]

macrophage (mák·ro·féyds)

png |Ana Bio |[ Ing ]
:
malakíng phagocytic cell na natatagpuang nása walang tinag na anyo sa loob ng mga tissue o bí-lang kumikilos na putîng blood cell, lalo na sa mga pook ng impeksi-yon.

Mactan (mak·tán)

png |Kas |Heg
:
pulô na bahagi ng Metropolitan Cebu, at pook ng unang labanang Filipino at Español.

mad

pnr |[ Ing ]
1:
2:
Sik halíng o nahihibáng sa isang bagay
4:
nauulól, kung sa hayop
5:
labis na natutuwa.

ma·dá·ha

pnr |[ ST ]

ma·dá·lang

pnr pnb |[ ma+dálang ]
2:
kung sa buhok o haláman, hindi malago ang tubò : SPARSE

ma·da·lás

pnr pnb |[ ma+dalás ]
:
nagaganap o ginagawâ sa maraming pagkakataon, o sa ulit-ulit na pagkakataon : ÁGSAB, FREQUENT1, MALÍMIT, PANÁY2, PUNÁY, OFTEN, SAGÁD4

ma·dal·dál

pnr |[ ma+daldál ]
:
mahílig magsalitâ at mahílig magkuwento ng kung ano-ano na karaniwan ay di-totoo : BALABÍGA2, BURÁAN, DÓNA, GAKGÁK1, HAKÁL1, HALHÁL2, HATÍD-DUMÁPIT, LÁRIS1, MASATSÁT, TARABÍTAB, WÁLWAL, WIKÁWIK Cf DALDALÉRA, TSISMÓSA

ma·da·lî

pnr |[ ma+dali ]
1:
hindi mahirap gawin : EASY, WALÂNG-HÍRAP, WALÂNG-LÍWAG
2:
kung sa kilos, mabilís : EASY var maralî

ma·da·li·án

pnr |[ ma+dalî+an ]
:
hindi dumanas ng paghihirap sa ipinagagawâ o pagsubok.

má·da·lí·an

pnr |[ ma+dalî+an ]
:
kailangang gawin o tapusin agad : HAWÓT1

ma·da·lí·kot

png |[ Mrw ]

ma·da·lîng

pnb |[ madalî+ng ]
1:
maikli, gaya sa “madalîng sabi ” at “madalîng panahon ”
2:
magaan, gaya sa “madalîng gawin, ” “madalîng akitin, ” at “madalîng sunduin ”

ma·da·lîng-á·raw

png |[ ma+dalî+na+ araw ]

ma·dám

png |[ Fre ]
1:
magálang na tawag sa isang babae Cf MADAME
2:
Kol babaeng mayabang var mam
3:
Kol babaeng tagapangalaga ng bahay-aliwan : MÁMASÁN

ma·dam·da·má

pnr pnb |[ Ilk ]

ma·dam·dá·min

pnr |[ ma+damdam+in ]
:
tigib sa damdamin, gaya sa madamdaming pag-awit : APASYONÁDO, ÉKSPRESÍBO1, ESPRESSIVO, PASSIONATE

Madame (ma·dám)

png |[ Ing ]
:
ginang sa French : MADÁM1, MME Cf MRS

ma·da·ná·gan

png |[ Ilk ]

ma·dáng·kok

pnr |[ Seb ]

ma·dá·ris

png |[ Ara ]
:
ang pangmaramihang anyo ng madrása.

má·das

png |Zoo |[ Seb ]

Mad·du·ká·yang

png |Lgw
:
isa sa mga wika ng Gaddang.

ma·dé·ded

pnr |[ Iva ]

ma·dé·ha

png |[ Esp madeja ]
1:
hibla ng buhok
2:
sinulid sa karete.

Madeira (ma·di·ra, ma·dé·ra)

png |[ Ing ]
1:
Heg pangkat ng limang pulô sa hilagang kanluran ng baybayin ng Africa, at sakop ng Portugal
2:
Heg pangunahing pulô sa naturang pangkat
3:
uri ng putîng alak na matapang at gawâ sa naturang pook
4:
Heg ilog sa kanlurang Brazil at umaagos mula sa hilagang silangan ng Amazon.

ma·dé·ra

png |Bot |[ Esp ]

Mad·hi

png |[ Mrw ]
:
sa Islam, ang gabay na mesiyas na magpapakíta bago dumatíng ang paghuhukom.

ma·di·lím

pnr |[ ma+dilim ]
:
may natatanging dilim : DARK, OSKÚRO1

mad·lâ

png
1:
ang karaniwang taong-bayan : KATÁWHAN, PUBLIC, PÚBLIKÓ
2:
ang mga tao na bumubuo ng pamayanan, estado, o bansa : KATÁWHAN, PUBLIC, PÚBLIKÓ
3:
partikular na pangkat ng mga tao na may iisang interes, layunin, at katulad : KATÁWHAN, PUBLIC, PÚBLIKÓ

mad·láw

pnr |[ Seb ]

mád·mad

png |Ant |[ Igo ]
:
ritwal na pumupuri kay Kabunyian at sa mga kaluluwa ng mga ninuno sa pamamagitan ng pag-aalay ng tapuy : ÎDNGAW, IPÚTIK

ma·don·dón

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

Ma·dón·na

png |[ Ita ]
1:
tawag sa Birheng Maria
2:
larawan o estatwa ng Birheng Maria.

ma·drá·sa

png |[ Ara ]
:
paaralan para sa pagtuturò ng Islam Cf MADÁRIS

ma·drás·ta

png |[ Esp madrastra ]
:
ináng-pangúman, ma·drás·to, kung laláki : DÁGA2, STEP-MOTHER

má·dre

png |[ Esp ]
1:
sa simbahang Katolika, babaeng may bokasyong italaga ang sarili sa Diyos : NUN Cf MÓNGHA, SISTER
2:
sa pagmimina, ang inang-bato
4:
Kar ang kinakapitan ng pinto, bintana, at iba pa upang maging matatag.

madre cacao (má·dre ka·káw)

png |Bot |[ Esp ]

Má·dre Do·lo·ró·sa

png |[ Esp ]
:
Inang Dalamhati o ang imahen ng Birheng Maria na nagdadalamhati sa katawan ni Cristo : DOLORÓSA, MÁTER DOLORÓSA

má·dre·ka·káw

png |Bot |[ Esp Mex madre de cacao ]
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Gliricidia sepium ) na tumataas nang 3–10 m, makinis ang mga lungting dahon, marami at nakapumpon ang mga bulaklak na kulay pink, at karaniwang itinatanim upang maging lilim sa kakaw : KAKAÓTI, KAKAWÁTE, MADRE CACAO, MANDÍRIKAK ÁW, PERHÚLES

má·dreng-hag·dán

png |Kar |[ madre+ ng+hagdán ]
:
mahabàng piraso ng kahoy na pinagkakabitan ng mga baitang ng hagdan.

má·dreng-ka·ri·tón

png |[ madre+ng+ karitón ]
:
talìng ikinakabit sa sungay ng kalabaw o báka upang makontrol ito sa paglakad o paghila sa kariton.

madrepore (med·rí·por)

png |Zoo |[ Ing ]
1:
tíla batóng korales sa genus Madrepora
2:
butil na nalilikha mula dito.

ma·dre·síl·ba

png |Bot |[ Esp madreselva ]
:
uri ng halámang baging (Lonicera japonica ).

má·dri·gál

png |[ Ing ]
1:
Mus aawit sa maramihang tinig, karaniwang bcappella
2:
Lit maikling tula ng pag-ibig.

ma·drí·na

png |[ Esp Por ]

Ma·du·ká·yan

png |Ant |[ Kal ]
:
isa sa mga pangkating etniko na nása silangan ng Ilog Chico.

ma·du·lás

pnr |[ ma+dulas ]
1:
may katangian ng dulas : DANGLÓG, KOBLÁS1, SLIPPERY, SAGADSÁD1
2:
mahirap mahúli.

Mad·yá·as

png |Mit Heo |[ Hil ]
:
bundok sa Panay.

má·dyik

png |[ Ing magic ]

ma·dyi·ké·ro

png |[ madyik+ero ]

ma·dyís·yan

png |[ Ing magician ]

ma·dyóng

png |[ Chi ]
:
laro na ginagamitan ng 144 pitsa at nilalahukan ng apat na tao.

Má·eng

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng Tinggian.

ma·és·tra

png |[ Esp ]
:
gurong babae, ma·és·tro kung laláki.

ma·es·tríl·yo

png |[ Esp maestrillo ]
:
tawag sa táong nagkukunwari o kumikilos na tulad ng isang guro.

ma·és·tro

png |[ Esp ]
1:
gurong laláki
2:
kinikilálang bihasa sa anumang larang, karaniwang makasining.

ma·e·tá

pnr |[ Pan ]

Mafia (máf·ya)

png |[ Ita “yabang o tapang” ]
:
sindikato ng kriminal.

mafioso (maf·yó·so)

png |[ Ita ]
:
miyembro ng mafia.

mag

png |[ Ing ]
:
pinaikling anyo ng magazine.

mag-

pnl
1:
pambuo ng pangngalan, karaniwang nagsasaad ng relasyon sa isa’t isa ng dalawang tauhan, hal mag-ama, mag-ina, magnuno
2:
apambuo ng mga pangngalang nagsasaad ng trabaho o gawain sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitâng-ugat, hal aral b=mag-aarál; bukid = magbubukíd ; gulay = magguguláy
3:
pambuo ng pandiwang pawatas at nagsasaad ng aksiyon, hal mag-aral, magluto, magsayaw
4:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pag-uulit o tuloy-tuloy na aksiyon, at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal magtatakbó, magluluksó, magsisigáw
5:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng panghihikayat na isakatuparan ang isang aksiyon at inuulit ang salitâng-ugat, hal magpasyal-pasyal, mag-arál-arál
6:
pambuo ng pandiwang may dalawahan o maramihang tagaganap, nagsasaad ng aksiyon na nanggagaling sa iba’t ibang direksiyon, hal magbanggâ, magsalubong, magkíta, magtagpô Cf NAG-
7:
pambuo ng pandiwa at dinudugtungan ng gitlaping –um– nangangahulugan ng pagpipilit o pagpupunyagi, hal, magsumigáw, magpumiglás.

Mag

png |Mit |[ Mns ]
:
unang babae.

ma·gâ

pnr
1:
Med matambok dahil sa pagkabugbog o impeksiyon : ALBÁG, BÁOS2, GAMBÓL1, MALIRÓNG
2:
malaki dahil sa pagkababad sa tubig : ALBÁG, BÁOS2, GAMBÓL1, MALIRÓNG

mag-a·a·rág

png |[ ST ]
:
tagapamahalà o katiwalà sa isang gawain.

mág-a·a·rál

png |[ mag+a+aral ]
:
tao, karaniwang batà at kabataan na pumapasok sa paaralan o kamukuha ng leksiyon at kurso bílang paghahanda sa isang gawain : ÉSKUWÉLA1, ESTUDYÁNTE, PUPIL2 PÚPILÓ1, STUDENT Cf APRENDÍS

má·gad

png |[ Tau ]

Magaera (ma·dyí·ra)

png |Mit |[ Gri ]
:
isa sa mga furias.

mag-á·ga

png |[ Hil Seb ]

ma·ga·ga·li·tín

pnr |[ ma+ga+galit+ in ]

mag-a·góm

png |[ Bik ]

ma·gá·lang

pnr |[ ma+galang ]
1:
may respeto sa nakatatanda : COURTEOUS, KORTÉS, TIMBÓS
2:
kumikilála at tumatanggap sa katwiran at karapatan ng iba : COURTEOUS, KORTÉS, TIMBÓS

ma·gá·lat

png |Bot |[ Bik ]

ma·ga·lá·yaw

png |Bot |[ Iba ]
:
tindalò, tindaló.

ma·ga·lí·aw

png |Bot |[ Iba ]
:
tindalò, tindaló.

ma·ga·líng

pnr |[ ma+galíng ]
1:
Med wala nang sakít

Magallanes, Fernando (ma·gal·yá·nes fer·nán·do)

png |Kas |[ Esp ]
:
(1480–1521) pinunò ng mga manlalayag na Español na dumaong sa Filipinas noong 1521 : FERDINAND MAGELLAN var Magallanes, Hernando

ma·gá·long

png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, puláng turban na sagisag ng katapangan ng mandirigmang nakapatay na ng kaaway.

mag-a·má

png |[ mag+amá ]
:
ang ama at ang kaniyang anak : MAGTÁTAY

ma·gá·na

png |[ Iba ]

ma·gá·na

pnr |[ ma+gana ]
1:
may natatanging gána, lalo na sa pagkain : GANÁDO2
2:
[Pan] magandá1

mag-a·nák

pnd |[ mag+anák ]
1:
magsilang ng sanggol
2:
maging ninong o ninang sa binyag, kumpil, kasal, at iba pang pagdiriwang.

mag-á·nak

png |[ mag+ának ]
1:
ang magulang at mga anak bílang isang pangkat : BÁNAY2, FAMILY1, PAMÍLYA
2:
batayang yunit ng lipunan : BÁNAY2, FAMILY1, PAMÍLYA
3:
magkakauri at magkakaisang pangkat gaya ng sa wika, hayop, haláman, at iba pa : BÁNAY2, FAMILY1, PAMÍLYA

ma·ga·nás·sing

png |[ Iba ]

ma·gan·dá

pnr |[ ma+ganda ]

Ma·gan·dá

png |Mit |[ Tag ]
:
unang babae.

ma·gán·hop-sa-bú·kid

png |Bot |[ Bis ]

ma·ga·nít

pnr |[ ST ]
:
mabagsik at malupit.

má·gan-ma·pí·ta

png |[ Mag ]

ma·gan·yá·kin

pnr |[ ST ]
:
sakim at nais na kaniya ang lahat.

mag-a·póy

png |Zoo |[ Mrw ]

ma·gár·bo

pnr |[ ma+garbo ]
1:
mahilig magtanghal nang marangya : POMPOSO1
2:
tumutukoy sa anumang marangya.

ma·ga·sáng

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng palay.

mag-a·sá·wa

pnd |[ mag+asawa ]
:
pormal na humarap ang isang laláki at isang babae sa isang legal na seremonya upang maging asawa ang isa’t isa : MAKIPAG-ISÁNG DIBDIB, MAGPAKÁSAL, MARRY, WED

mag-a·sá·wa

png |[ mag+asawa ]
:
babae at laláking legal na pinagbuklod sa kasal : COUPLE1, AG-ASÁWA, MAG-AGÓM, MAGTIÁYON, SANASAWÁ

mag-a·sá·wang á·lon

png |[ mag+asawa +na alon ]
:
álong magkasunod at may higit na lapit sa isa’t isa kaysa iba.

mag-a·sá·wang ká·hoy

png |Bot |[ mag+asawa+na kahoy ]
:
dalawang kahoy na iisa ang uri ngunit magkaiba ang kulay o kayâ’y magkadikit nang tumubò.