quart (kwart)
png |[ Ing ]
quarter (kwár·ter)
png |[ Ing ]
1:
panahon na katumbas ng tatlong buwan ; sangkapat na bahagi ng isang taon Cf QTR
2:
sangkapat na bahagi ng isang oras ; labinlimang minuto bago o matapos ang anumang oras Cf QTR
3:
Isp isa sa apat na magkasintagal na yugto ng laro Cf QTR
4:
posisyon ng buwan sa pagitan ng bagong buwan at kabilugan Cf QTR
5:
isa sa apat na bahagi ng isang taóng akademiko Cf QTR
7:
alinman sa mga direksiyon ng kómpas Cf QTR
quarterage (kwár·te·reydz)
png |[ Ing ]
1:
pagpapatulóy sa mga tropa sa isang pansamantalang tirahan ; o ang halaga ng nasabing akomodasyon
2:
pansamantalang silungan o tirahan
3:
pagbabayad tuwing sangkapat ng taon.
quarterback (kwár·ter·bák)
png |Isp |[ Ing ]
1:
sa larong futbol, ang manlalaro sa likod ng nakahanay na mga manlalaro at nangunguna sa pagsulong ng pangkat
2:
posisyon ng manlalaro sa likod.
quarter bend (kwár·ter bend)
png |[ Ing ]
:
anumang may baluktot na 90°.
quarter blanket (kwár·ter bláng·ket)
png |[ Ing ]
:
kumot na inilalagay sa ilalim ng siya o guwarnasyon ng kabayo.
quarterfinal (kwár·ter fáy·nal)
png |[ Ing ]
:
paligsahan bago ang semifinal.
quarter horse (kwár·ter hors)
png |Zoo |[ Ing ]
:
isa sa mga uri ng kabayong inaalagaan sa Estados Unidos para sa malapitang karera.
quartermaster (kwár·ter·más·ter)
png |Mil |[ Ing ]
:
opisyal na namamahala sa mga tirahan at sa pagtatalaga ng silid ng mga sundalo.
quarter note (kwár·ter nowt)
png |Mus |[ Ing ]
:
nota na katumbas ng sangkapat ng buong nota.
quartile (kwár·tayl, kwár·til)
pnr |Asn |[ Ing ]
:
tumutukoy sa aspekto ng dalawang lawas pangkalawakan na nagkaiba sa longhitud ng 90°.
quarto (kwár·to)
png |[ Ing ]
:
lapad ng aklat, karaniwang 9 ½ x 12 pulgada.
quartz (kwartz)
png |Heo |[ Ing ]
:
isa sa mga pangkaraniwang mineral na maraming uri, iba’t ibang kulay at kinang, at nása pormang buo gaya ng haspe at kalsedonya o kristal : KINYÁNG
quartz clock (kwartz klak)
png |[ Ing ]
:
relong gumagamit ng osilasyon ng quartz na kristal sa pagkontrol ng dalasan ng halinhinang daloy sa mákiná ng relo.
quartzite (kwartz·sayt)
png |Heo |[ Ing ]
:
granulado at metamorpikong bató na binubuo ng mga butil ng quartz.
quasar (kwéy·sar)
png |Asn |[ Ing ]
:
isa sa mahigit apatnapung lawas pangkalawakan, may layòng mulang apat hanggang sampung bilyong lightyear na pinagmulan ng enerhiyang panradyo.
quasi (kwá·si, kwéy·say)
pnr |[ Lat ]
:
kahawig ng isang bagay.
quasi (kwá·si, kwéy·say)
pnl |[ Lat ]
:
pambuo ng pangalang nangangahulugang “tíla o parang katulad ng isa. ”
quasi contract (kwá·si, kwéy·say kón·trak)
png |Bat |[ Lat ]
:
obligasyong ipinapatupad ng batas kahit walang kontrata upang iwasan ang hindi makatarungang pagpapayaman.
quasi delict (kwá·si, kwéy·say de·lík)
png |Bat |[ Lat ]
:
pinsalang nagawâ sa ibang tao na hindi saklaw ng kasunduan ng mga panig.
quasi in rem (kwá·si, kwéy·say in rem)
png |Bat |[ Lat ]
:
aksiyon na may layuning ipambayad ang interes sa di natitinag na ari-arian na nása hukuman at sasaklawin lámang ng hatol ng hukuman ang magkabilâng panig.
quasi judicial (kwá·si, kwéy·say ju·dí·syal)
pnr |[ Ing Lat ]
:
may katangian ng isang aksiyong panghukuman ngunit isinasagawâ ng ahensiya o opisyal na administratibo at may kapangyarihang magbista o maglitis tulad ng hukuman.
quass (kwas, kvas)
png |[ Ing ]
:
serbesa sa Russia na gawâ sa barley, malt, at rye.
quaternary (kwá·ter·ná·ri)
pnr |[ Ing ]
1:
binubuo ng apat
2:
nakaayos nang tig-aapat
3:
tumutukoy sa kasalukuyang panahon, nabubuo sa mga hulíng bahagi ng panahong Cenozoic, mula mga isang milyong taóng nakalipas pati na ang kasalukuyan at panahong Pleistocene
4:
tumutukoy sa mga kombinasyon ng metal na mayroong apat na pangunahing sangkap.
quaternate (kwá·ter·néyt)
pnr |Bot |[ Ing ]
:
nakaayos o binubuo ng apat na bahagi, gaya ng dahon ng ilang halaman.
quaternion (kwa·tér·ni·yón)
png |[ Ing ]
1:
pangkat o set ng apat na tao o bagay
2:
sa pagtatahi ng aklat, apat na piraso ng papel na itinupi
3:
Mat
kantidad na kabuuan ng real na bílang at tatlong complex na bilang, katumbas ng quotient ng dalawang vector.
quatrefoil (kwá·ter·fóyl)
png |[ Ing ]
1:
Bot
dahon na binubuo ng apat na pilas
2:
Ark
tíla entrepanyong palamuting binubuo ng apat na umuumbok na bahagi.
Quatrocento (kwá·tro·syén·to)
png |[ Ing Ita ]
:
sining sa Italia noong siglo labinlima.
quay (ki)
png |[ Ing ]
:
daungan, karaniwang isang solidong plataporma na itinatayô sa gilid ng lawas ng tubig.
quayage (kí·yidz)
pnr |[ Ing ]
1:
mga magkahilerang daungan
2:
espasyong inilaan bílang daungan
3:
bayad sa paggamit ng daungan.
queen bee (kwin bi)
png |Zoo |[ Ing ]
:
fertil na babaeng bubuyog.
queendom (kwín·dam)
png |Pol |[ Ing ]
1:
posisyon o estado ng reyna
2:
sakop ng reyna.
queen dowager (kwin dá·wey·dyér)
png |[ Ing ]
:
balo ng hari.
queenhood (kwín·hud)
png |Pol |[ Ing ]
:
estado, ranggo, o kapangyarihan ng reyna.
queen regent (kwin rí·dyent)
png |Pol |[ Ing ]
1:
reyna na nanunungkulan para sa isang reyna
2:
queen regnant.
queen regnant (kwin rég·nant)
png |Pol |[ Ing ]
:
reynang tuwirang namumuno sa buong kaharian : QUEEN REGENT2
quench (kwents)
pnd |[ Ing ]
:
pawiin, karaniwang ang uhaw.
quercetin (kwér·si·tín)
png |Kem |[ Ing ]
:
pulbong dilaw, kristalina, at bahagyang nalulusaw sa tubig, C15 H10 O7 makukuha sa balát ng punòng quercitron at iba pang substance mula sa halaman, at ginagawâng tina.
quercitol (kwér·si·tól)
png |Kem |[ Ing ]
:
solidong walang kulay, kristalina, matamis, at nalulusaw sa tubig, C6 H7 (OH)5 mula sa balát ng punong oak at acorn.
quercitron (kwér·si·trón)
png |Bot |[ Ing ]
1:
itim na punong oak (Quercus velutina )
2:
balát ng itim na punong oak, masagana sa tanino at dilaw na tina na ginagamit na pangkulay
3:
dilaw na tinà mula sa pinulbos na balat ng quercitron.
que sera sera (ke se·rá se·rá)
|[ Esp ]
:
pahayag na nangangahulugang “anuman ang mangyari. ”
question mark (kwés·tyon mark)
png |[ Ing ]
:
tandâng pananóng.
questionnaire (kwés·tyo·néyr)
png |[ Ing ]
:
listahan ng mga katanungan upang malaman ang mga impor-masyong sinusuri o ginagawan ng pag-aaral : KUWESTIYONÁRYO
question of fact (kwés·tyon of fak)
png |Bat |[ Ing ]
:
katanungan hinggil sa katotohanan ng ikinakatwirang pangyayaring nililitis ng hukuman, karaniwang ang hukom ang nagpapasiya.
question of law (kwés·tyon of lo)
png |Bat |[ Ing ]
:
katanungan hinggil sa alituntunin o legal na epekto ng isang pangyayari, karaniwang ang hukuman o ang hukom ang nagpapasiya.
quevedo (ke·vé·do)
png |[ Esp ]
:
salaming bilóg ang hugis at para sa isang matá lámang.
Quezon (ké·zon)
png |Heg
1:
lungsod na kabílang sa Pambansang Punong Rehiyon
2:
lalawigan sa timog Katagalugan, Rehiyon IV.
quick asset (kwik á·set)
png |[ Ing ]
:
mga asset2-3 na binubuo ng cash at iba pang ari-arian na mabilisang magagawang cash.
quicken (kwík·en)
pnd |[ Ing ]
1:
gawing madalî
2:
gawing mabilis
3:
gawing masigla.
quick fire (kwik fayr)
png |[ Ing ]
:
isa o maraming mabilisang pagputok ng baril.
quickie (kwí·ki)
pnr |[ Ing ]
1:
aklat o pelikula na ginawâ nang madalian
2:
anumang ginamit nang panandalian.
quickstep (kwík·is·tep)
png |[ Ing ]
1:
mabilis na hakbang sa pagmamartsa
2:
hakbang sa masiglang sayaw.
quick-tempered (kwik-tém·perd)
pnr |[ Ing ]
:
madalîng magalit.
quick time (kwik taym)
png |[ Ing ]
1:
mabilis na pagmamartsa
2:
normal na bilis ng martsa na magagawâ sa isang minuto ang 120 hakbang na tatlumpung pulgada ang bawat isa.
quick-witted (kwik-wí·ted)
pnr |[ Ing ]
:
matalas ang isip.
quiddity (kwí·di·tí)
png |[ Ing ]
:
mahalagang katangian ng isang bagay.
quidnunc (kwíd·nungk)
png |[ Ing ]
:
tao na mahilig sa tsismis.
quid pro quo (kwid pro kwo)
png |[ Lat ]
:
pálítan, o bagay na kapalit ng isang bagay.
quiff (kwif)
png |Kol |[ Ing ]
:
babaeng walang dangal.
quill (kwil)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
isa sa malalaki at matitigas na balahibo sa buntot o pakpak ng ibon o manok
2:
Zoo
pakpak ng gansâ na ginagamit sa pagsusulat
3:
tutpik, puwa, o katulad na kasangkapang gawâ sa tangkay ng balahibo ng ibon o manok
4:
Bot
pinatuyong balát ng punongkahoy na binilot na tíla cinnamon
5:
hungkag na punô na pinag-iikiran ng sinulid.
quilt (kwilt)
png |[ Ing ]
1:
sapin sa kama na gawâ sa dalawang magkapatong na tela na may malambot na bagay sa pagitan at may tahi na sumusunod sa disenyo ng tela
2:
makapal na sapin ng kama.
quinacrine (kwí·na·krín)
png |Kem |[ Ing ]
:
álkalóyd C23 H30 ClN3 O na panlunas sa malarya.
quinary (kwáy·na·rí)
pnr |[ Ing ]
1:
binubuo ng lima
2:
nakaayos nang tiglilima
3:
tumutukoy sa sistema ng bilang batay sa 5.
quinazoline (kwi·ná·zo·lín)
png |Kem |[ Ing ]
1:
compound na walang kulay, kristalina, at heterosikliko, C8 H6 N2
2:
anumang deribatibo ng ganitong compound.
quincunx (kwíng·kungks)
png |[ Ing ]
1:
parisukat o parihabâng ayos ng isang bagay, gaya ng punongkahoy na nakaayos nang may isa sa bawat sulok at isa sa gitna
2:
Bot
ayos ng limang pilas ng dahon.
quindecagon (kwin·dé·ka·gón)
png |Mat |[ Ing ]
:
sa heometriya, polygon na may labinlimang anggulo at labinlimang gilid.
quindecennial (kwin·di·sén·yal)
pnr |[ Ing ]
:
tumutukoy sa panahong sumasaklaw ng labinlimang taon.
quinellia (kwi·nél·ya)
png |[ Ing ]
:
sa karera ng kabayo, ang pagpusta sa dalawang nangungunang kabayo alinman sa mga ito ang manalo.
quinhydrone (kwin·háy·drun)
png |Kem |[ Ing ]
:
solidong maitim na lungti ang kulay, kristalina, at bahagyang nalulusaw sa tubig, C6 H4 O2 C6 H4 (OH)2, ginagamit bílang electrode sa solution kasáma ang platinum na kable.
quinic acid (kwí·nik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
solido at siklikong compound na putî ang kulay at kristalina, C6 H7 (OH)4 COOH, matatagpuan sa balát ng punong cinchona, kape, at dahon ng maraming halaman.
quinidine (kwí·ni·dín)
png |Kem |[ Ing ]
:
isomerikong alkaloyd na may quinine, walang kulay at kristalina, C20 H24 N2 O2 na makukuha sa balát ng ilang uri ng punò o palumpong ng cinchona, karaniwang bilang sulfate para sa regulasyon ng tibok ng puso at gamot sa malarya.
quinoidine (kwi·nó·dayn)
png |Kem |[ Ing ]
:
substance na kulay kape ang pagkaitim at binubuo ng halò ng mga alkaloyd na ginagamit bílang múrang panghalili sa quinine.
quinoline (kwí·no·lín)
png |Kem |[ Ing ]
:
base na may nitrogen, walang kulay, likido, lumulutang sa tubig, C9 H7 N, at mayroong hindi kanais-nais na amoy.
quinone (kwi·nón)
png |Kem |[ Ing ]
:
mabangong compound, makikita sa mga halaman, lalo na sa dilaw at kristalinang anyo, C6 H4 O2 at ginagamit sa paggawâ ng tina para sa katad, gayundin sa potograpiya.
quinoxaline (kwi·nók·sa·lín)
png |Kem |[ Ing ]
:
pulbos na walang kulay, kristalina, at nalulusaw sa tubig, C8 H6 N2 at pangunahing sangkap sa organikong sintesis.
quinquagenarian (kwíng·kwa·dye·nár·yan)
pnr |[ Ing ]
1:
limampung taóng gulang
2:
nása pagitan ng limampu at aninmapung taong gulang.
quinquagenary (kwíng·kwa·dye·né·ri)
png |[ Ing ]
:
ikalimampung taóng anibersaryo.
Quinquagesima (kwíng·kwa·dye·sí·ma)
|[ Ing ]
:
Linggo bago ang Kuwarésma.