walking dictionary (wó·king dík·syo· ná·ri)
png |[ Ing ]
:
tao na may malawak na kaalaman.
walking papers (wó·king péy·pers)
png |[ Ing ]
:
notisya ng pagkatanggal sa trabaho.
walking stick (wó·king is·tík)
png |[ Ing ]
1:
2:
walk of life (wók of láyf)
png |[ Ing ]
:
trabaho, propesyon, panawagan, at katulad.
walk out (wók awt)
png |[ Ing ]
:
biglaang pag-alis, karaniwang dahil sa gálit o pagkainis.
wallaroo (wó·la·rú)
png |Zoo |[ Ing ]
:
malakíng kangaroo (Macropus robustus ) na matingkad na kape ang kulay.
wallchart (wól·tsart)
png |[ Ing ]
:
tsart o poster na idinisenyo upang itanghal sa dingding, karaniwan bílang tulong sa pagtuturo, pagbibigay ng impormasyon, at katulad.
wallflower (wol·flá·wer)
png |[ Ing ]
1:
Bot
haláman (Erysimum cheiri ) na may mabangong bulaklak na dilaw at matingkad na pulá ang kulay
2:
sa mga kasayahan, babae na walang pumapansin.
wal·nâ
png |[ ST ]
:
tela na may iba’t ibang kulay.
wa·ló
pnr |Mat |[ Bik Hil Ilk Mrw Pan Seb Tag War ]
wál·rus
png |Zoo |[ Ing ]
:
malakíng mammal pantubigan (Odobenus rosmarus ) na may dalawang mahabàng pangil.
wal·wál
png |[ ST ]
1:
paglalatag sa anumang nakatupi
2:
pagsisiwalat sa kamalian ng iba.
wál·wal
pnd |i·wál·wal, mag·wál·wal |[ Pan ]
:
isiwalat ang lihim.
wám·pum
png |[ Ing ]
:
kuwintas na gawâ sa takupis ng lamandagat, gina-gamit bílang salapi, dekorasyon, o tulong sa alaala ng mga Indian sa America.
Wandering Jew (wán·de·ríng ju)
png |[ Ing ]
1:
Lit
maalamat na tao na pinarusahang maglibot sa buong mundo hanggang dumatíng ang Araw ng Paghuhukom : JUDEO ERRANTE
2:
tao na hindi tumitigil sa paglalakbay
3:
Bot
halámang-baging (Tradescantia albiflora ) na may dahong napakaikli ng tangkay
4:
Bot
halámang-baging (Zebrina pendula ) na may kulay pink na bulaklak.
wanderlust (wan·dér·last)
png |[ Ing ]
:
hílig sa paglalakbay o pagbibiyahe.
wanderoo (wán·de·rú)
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng unggoy (Macacus silenus ) na nagmula sa Sri Lanka.
wa·nes·wés
png |[ Ilk ]
:
malakas na hangin.
wáng·dan
png |[ Igo ]
:
basket na panseremonya sa ritwal na pakde.
wá·ngis
pnr |ka·wá·ngis
:
túlad o katúlad.
wang·wáng
png |[ ST ]
1:
pagbubuka ng taghiyawat gamit ang alpiler o pantusok
2:
pagbagsak nang nakatihaya.
wáng·wang
png |Kol
:
sirena ng kotse ng pulis.
wan·lá
png |[ ST ]
:
pagtitina sa dahon ng bule sa paggawâ ng banig.
want
png |[ Ing ]
1:
mga bagay na kailangan o gusto ng isang tao
2:
pangangailangan, kawalan, o pagkukulang lalo ng dukha.
wan·tá
png |[ ST ]
:
antála o pag-antala.
wa·pí·ti
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng usá (Cervus canadensis ) sa Hilagang America.
war
png |[ Ing ]
:
digmâ o digmáan.
Waráy
png
1:
Ant
pangkating etniko na matatagpuan sa isla ng Samar at Leyte
2:
Lgw
tawag din sa wika nitó.
war chest (wár tsest)
png |[ Ing ]
:
pondo na nakalaan sa digmaan at iba pang kampanyang ukol sa pakikipaglaban.
war cry (wár kray)
png |[ Ing ]
1:
salitâ o pangalan na sinasambit sa paglu-sob o pagpapaigting ng damdamin ng hukbo
2:
islogan ng isang partido o anumang organisasyon.
-ward
pnl |[ Ing ]
1:
pambuo ng pang-abay at nangangahulugang “ukol sa isang pook, at katulad, ” hal homeward
2:
pambuo ng pang-uri at nangangahulugang “mula o ayon sa, ” hal downward.
ward
png |[ Ing ]
1:
nakahiwalay na silid o dibisyon ng isang ospital, kulungan, at katulad
2:
batà na nása ilalim ng pangangalaga ng isang tao na itinalaga ng hukuman.
wár·den
png |[ Ing ]
1:
tao na itinalagang mangalaga sa tao, hayop, o bagay
2:
ang punòng opisyal na nangangasiwa sa bilangguan
3:
alinman sa mga opisyal ng pamahalaan na nangangasiwa sa daúngan, gubat, at katulad.
wár·di
png
:
wala sa loob na paraan ng pagtratrabaho, gaya sa “pawardi-wardi.”
wardrobe (wár·drowb)
png |[ Ing ]
1:
aparador na lalagyan ng mga damit
2:
silid sa teatro na taguán ng mga kasuotan ng mga artista
3:
koleksiyon o kabuuang bílang ng mga damit o kasuotan ng isang tao
4:
mga damit para sa isang tiyak na okasyon.
ware (weyr)
png |[ Ing ]
1:
mga panindang magkakauri, gaya ng seramika
2:
kakayahan o talino ng isang tao.
warfare (wár·feyr)
png |Mil |[ Ing ]
1:
ang proseso ng labanáng militar
2:
tunggalian ng dalawa o mahigit pang pangkat
3:
operasyong militar, lalo na ang pagsalakay sa kaaway.
warhead (wár·hed)
png |Mil |[ Ing ]
:
ang unahang bahagi ng misil, bomba, torpedo, at katulad na nagtataglay ng pampasabog, kemikal, o atomikong karga.
wa·rí
png |[ Iva ]
:
tawag sa nakababatàng kapatid.
wa·rì
png
1:
sariling palagay
2:
[ST]
pagpapakumbaba sa pag-amin ng kasalanan.
wa·rì
pnd |mag·wa·rì, wu·ma·rì |[ Seb ]
:
mag-aksaya o gumastos nang gumastos.
wár·lord
png |Mil |[ Ing ]
1:
pinunò ng militar
2:
pinunòng may pangkat na armado.
warmonger (war·móng·ger)
png |[ Ing ]
:
tao na nagtataguyod o nagbubuyó ng pakikidigma.
warm-up (wárm-ap)
png |[ Ing ]
1:
paghahanda para sa isang paligsahan, pagtatanghal, at katulad
2:
pagpapainit ng mákiná.
warn
pnd |[ Ing ]
1:
magbigay ng babalâ ukol sa panganib o hindi matiyak na pangyayari
2:
sabihan o payuhan na mag-ingat.
war of attrition (wár of at·rí·syon)
png |[ Ing ]
:
matagal na digmaan.
war of nerves (wár of nervs)
png |Mil |[ Ing ]
:
paggamit ng pamamaraang sikolohiko, tulad ng propaganda, maling impormasyon, pananakot, at katulad, sa halip na tahasang pakikipaglaban o pakikidigma.
warrant (wá·rant)
png |[ Ing ]
1:
dokumento na nagpapatunay o nagpapahintulot, gaya ng resibo, lisensiya, at katulad
2:
Bat
kasulatang ibinibigay ng isang hukom, at nagpapahintulot sa pulisya na hanapin, arestuhin, halughugin, kunin ang ari-arian, at dalhin ang nagkasála upang hatulan : MANDAMYÉNTO2
warranty (wá·ran·tí)
png |[ Ing ]
1:
aksiyon o halimbawa ng pagpapahintulot o pagpapatunay : GARANTÍYA
2:
Bat
kasunduan na nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na nása isang kontrata, gaya sa pagbibili o pagbebenta : GARANTÍYA
3:
kasulatang ibinibigay ng nagtitinda sa bumili at nangangakong maaaring ayusin o palitan ang binili sa loob ng takdang panahon : GARANTÍYA
warren (wá·ren)
png |[ Ing ]
1:
pook na pinagkukulungan sa mga kuneho ; pook para sa pagpaparami ng mga ito
2:
gusali, distrito, at katulad na maraming naninirahan subalit kulang sa mga pangangailangan.
war zone (wár zown)
png |[ Ing ]
:
pook ng digmaan o labanan.
wa·sá·be
png |[ Jap ]
:
niligis na ugat ng horseradish at ginagamit na pampaanghang.
wa·sák
pnr
wá·sak
png
1:
2:
wá·sang
pnr |[ ST ]
:
pagulong-gulong sa sahig.